Sharon Cuneta says she’s ready to make an indie movie

The Megastar also shares she’s excited to start filming for her comeback movie under Star Cinema.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/3/2016 8:32 AM
Sharon Cuneta says she’s ready to make an indie movie


100316-SharonCuneta_PUSH.jpgSa pagbabalik concert scene ni Megastar Sharon Cuneta, masaya at excited niyang ibinahagi na magkakaroon ng special participation ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan sa kanyang concert  sa The Theater of Solaire sa darating na October 15 and 22. 

Isa si Frankie sa mga special guests sa special night ni Sharon. Kuwento pa ni Megastar kung tuluyan ng papasukin ni Frankie ang showbiz siya daw mismo ang napili ng anak na mag-manage ng career nito.

"Si Frankie kasi she really enjoys music. She likes singing, she likes drumming, she likes playing the guitar, ang dami niyang ginagawa she also likes writing songs and I am sure she's going to die of happiness pagkatapos niyang kumanta dito."

Bukod sa concert, super excited na din si Megastar na umpisahan na ang kanyang pelikula sa Star Cinema na i-didirek ni Cathy Garcia-Molina.

"Yung thought lang na babalik ako sa set na iba ang character ko, na may role ako at iba akong tao, tapos yung director ko at isang kaibigang matagal na, tapos para akong bago. Tapos may makakasama ako dati na hindi ko na nakakasama tapos maganda ang storya tapos Star Cinema ang mag-handle, iniisip ko palang parang di ka na makatulog parang gusto mo bukas umpisahan na, so baka anytime mag-meeting na kami ni direk Cathy."

Naka-line up din sa mga aabangan kay Megastar pagkatapos ng kanyang pelikula sa Star Cinema ay ang kanyang pagbibidahang indie film.

"’Ang Pamilyang Hindi Lumuluha’ ang title ng first indie film ko which will be directed by Direk Mes De Guzman, yung gumawa ng indie film ni Ate Guy. I'm gonna make one with him, actually two years in the making na yun, eh. Sabi ko kay Direk Mes, na pa comeback mo lang ako ng isang mainstream sa Star Cinema, tapos saka natin ipalabas ito. You know naman, yung movie ni Direk Mes na medyo may pagka-fantasy element," pagtatapos ni Sharon.