• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss United Continents Jeslyn Santos plans to enter showbiz

2016 Miss United Continents Jeslyn Santos plans to enter showbiz

Jeslyn shares how she conquered the Q&A portion of the 2016 Miss United Continents in Ecuador.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/3/2016 8:34 AM
2016 Miss United Continents Jeslyn Santos plans to enter showbiz


100316-MsEcuador_MAIN.jpgNakabalik na sa Pilipinas ang 2016 Miss United Continents na si Jeslyn Santos matapos masungkit ang korona sa Ecuador na host country ng pageant ngayong taon. Nag-iisa lang si Jeslin sa kabuuan ng kanyang pageant journey kaya't ang social media ang kanyang naging daan para makakuha ng lakas ng loob mula sa kanyang mga mahal sa buhay.

"More than one day po ang byahe papunta doon and sa Facebook ko lang nakakausap ang family ko at pageant trainors ko para mabigyan nila ako ng guidance. Nakakadagdag din siyempre ng lakas ng loob ang messages ng mga kababayan natin," pagkukwento ng beauty queen. 

Si Jeslyn ang unang Asian candidate na nanalo sa  six-year-old pageant na naka base sa Latin America kaya malaking karangalan ito sa bansa. Pinag-usapan din sa social media ang naging sagot ni Jeslin sa question and answer portion in straight Spanish.

"Nagkataon po talaga na yung inaral ko na sagot sa salitang Spanish yun ang natapat sa akin kaya dinagdagan ko na lang," natutuwang kwento pa niya. 

Graduate si Jeslyn ng Communication Arts course sa Bulacan State University at bunso sa apat na magkakapatid na puro babae. Plano ni Jeslin ngayon na pasukin ang mundo ng showbiz kung mabibigyan ng pagkakataon.

"Hinahangaan ko po talaga ang mga artista natin dahil magagaling sila at sana mabigyan din ako ng break."

Si Gerald Anderson ang gusto maka trabaho si Jeslyn kung sakaling mabigyan siya ng break sa pag arte.