Jennylyn Mercado’s mom dies at 74

The actress' mother passed away this morning due to complications from pneumonia.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2016 12:08 AM
Jennylyn Mercado’s mom dies at 74


102916-JennylYNmERCADO1_PUSH.jpgPumanaw na kaninang umaga, Oct. 29, ganap na7:52, ang buthing ina ni Jennylyn na si Mommy Lydia Mercado sa edad na 74.

Na-confine si Mommy Lydia noong Oct. 10 sa hospital dahil sa iba’t ibang sakit na nararamdaman. Pero after 2 weeks ay ipinasok na ito sa ICU ng St. Lukes dahil biglang inatake sa puso at nagkaroon ng komplikasyon dahil sa sakit na sepsis at pneumonia.

Kahit nasa ospital ang ina, nagawa pang maka-attend ni Jennylyn sa Star Awards for TV noong Oct. 23 para tanggapin ang kanyang best actress trophy.

 Sa acceptance speech sa Star Awards ay inialay pa ni Jennylyn ang kanyang best actress trophy kay Mommy Lydiaat sa anak na si Alex Jazz.

Ayon sa manager ni Jennylyn na si Tita Becky Aguila, iyak nang iyak ang aktres pero tanggap na raw nito ang pagkawala ng ina.

Hindi man biological mom ni Jennylyn si Mommy Lydia pero ito ang nagpakahirap at nagtaguyod sa aktres simula pa nu’ng bata ito. Si Mommy Lydia din ang kinikilala at itinuturing na nanay ng aktres kahit pa natagpuan niya ang kanyang biological parents na sina Noli and Jinkee Pineda.

 Mula po dito sa Push.com.ph, ang amin pong pakikiramay sa pamilya ni Jennylyn. Rest in peace Mommy Lydia.