• Home
  • Fresh Scoops
  • Francis Libiran congratulates Kylie Verzosa for winning Ms. International 2016

Francis Libiran congratulates Kylie Verzosa for winning Ms. International 2016

Francis Libiran talks about how Kylie Verzosa approached him for help.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/29/2016 9:32 AM
Francis Libiran congratulates Kylie Verzosa for winning Ms. International 2016


102916-FrancisLibiran_PUSH.jpgIpinagbubunyi ng Pilipinas ngayon ang pagkapanalo ni Kylie Verzosa sa katatapos lang na Ms. International 2016 na ginanap sa Tokyo, Japan.

Sa victory speech ni Kylie, pinasalamatan nito ang mga tumulong sa kanya na maabot ang kanyang pangarap na karangalan. Mula sa trainors, makeup artist at mga kaibigan na sumoporta sa kanya, kasama din sa pinasalamatan ni Kylie ang isa sa mga nagsilbing fairy godmother niya na si fashion designer Francis Libiran na all out ang support para sa kanya.

Sa Facebook post naman ni Francis, pinuri niya si Kylie para sa karangalan nitong hatid para sa Pilipinas.

"Congratulations, Miss International 2016 Kylie Verzosa. I've known Kylie when she was still starting her career as a model. She walked for almost all of my fashion galas. She's a sweetheart since the beginning."

Pagbabahagi pa ni Francis sa kanyang Facebook post, nakita niya ang determinasyon ng dalaga para sa pangarap nito, sabi pa niya dahil sa naging mahaba na din ang kanilang pinagsamahan naging personal na din ang kanilang pagkakaibigan.

"Early this year, Kylie approached me and told me about her intention to join Binibining Pilipinas 2016 and asked me if I can do her evening gown. At that very moment, I felt her excitement and perseverance. Of course, I said yes, and told her ‘You will get a crown!’ And so, through her hard work and determination, she bagged the Miss International Philippines 2016 title. I was so happy for her and I knew that that was just the beginning. I've always believed that Kylie will get far."

Kuwento pa ni Francis personal pick siya ni Kylie ng opisyal itong tinanghal bilang pambato ng Pilipinas sa Ms International pageant ng Binibing Pilipinas.

"Just a week after winning the Binibining Pilipinas International title, we got a call from Kylie asking when can we meet about her national costume and evening gown. Yes, that fast. She was already gearing up for the Miss International 2016 competition. You can really see her perseverance and dedication to make the country proud. I guess, that's what we have in common. Whenever Kylie and I talk about the competition, it's all about bringing pride and glory to the Philippines."

Sa huli, pinasalamatan ni Francis si Kylie para sa panibagong karangalan na bigay niya para sa bansa at pasasalamat para sa tiwalang ibinigay ni Kylie para sa kanya bilang isang designer.

"Congratulations, Kylie! Thank you for making our country proud! Thank you also for the trust! We are so proud of you!"