Paul Salas explains sudden weight loss

Paul Salas denies a ‘bad vice’ is the reason for his new physique.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/28/2016 12:05 PM
Paul Salas explains sudden weight loss


102816-PaulSalas_PUSH.jpgKasama si Paul Salas ng mga kapwa Star Magic artist na sila Elisse Joson, McCoy de Leon, at Kira Balinger para sa ribbon cutting ng isang apparel store.

Dahil tila maraming nakapansin sa malaking pagbabago sa katawan ni Paul matapos ang kanyang proyekto sa ABS-CBN na You're My Home, naitanong na din sa binata kung ano ang kanyang pinaghahandaan.

Kuwento niya personal na desiyon niya ang pagiging fit and sexy at ang pagkakaroon ng abs dahil gusto na niya ng transformation para sa kanyang sarili.

"Gusto ko lang muna maging fit kasi 18 na rin naman ako tapos galing nga sa mga baby fats noon so nagpapapayat muna talaga ako and now unti-unti nag gain na din ako ng weight habang nag gym, kumakain na din ako pero gusto ko lang talaga maging fit sa life ko and hindi natin alam baka may ibigay ang ABS-CBN sa atin. At least ready na din tayo.

Sabi pa ni Paul ready na rin siya tumanggap ng mga mature role dahil sa talagang napaghandaan na niya ito ng todo. Pero sa ngayon naibahagi na din ni Paul na mayroon siyang ginagawang project na mapapanuod online.

"Actually ngayon may upcoming po tayo na YouTube movie makikita nila yung pa abs natin doon."

Pinabulaanan naman ng binatang aktor ang mga alegasyon ng pagakakalulong niya diumano sa masamang bisyo na naging dahilan ng kanyang mabilisang pag payat.

"Actually aaminin ko nasobrahan din ako sa pag papayat kasi kapag bata parang paranoid na din na ayaw ng tumaba kaya nag gym, pero wala naman akong pakialam sa sinasabi nila kasi hindi naman totoo and hindi naman ako nasasaktan, pero nililinaw ko pa din sa kanila na talagang nag diet lang talaga ako," pagtatapos ni Paul.