• Home
  • Fresh Scoops
  • Michael Pangilinan says he hasn’t seen his child for five months now

Michael Pangilinan says he hasn’t seen his child for five months now

Michael Pangilinan is seeking legal means to have more time with his baby.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2016 12:45 AM
Michael Pangilinan says he hasn’t seen his child for five months now


102816-MichaelPangilinan_PUSH.jpgAyon kay Michael Pangilinan, five months na silang hindi nagkikita ng anak niya na nasa poder ng nanay nito. Hindi pa rin daw nare-resolve ang lahat at inaayos pa rin ng abogado niyang si Atty. Ferdie Topacio ang tungkol sa isyu ng custody niya sa anak.

“Siyempre hindi maganda yung feeling ng ganu’n, na five months mong hindi nakikita ang anak mo pero wala ka namang magawa kasi wala ka pang rights. Basta kapag wala pang magawa mahirap. Kung may magagawa lang ako ginawa ko ng lahat.

“Pumapayag sila na bumisita ako do’n, pero hindi yon yung gusto ko. Masasanay na lang kasi sila na lagi akong bumibisita don. Siyempre, may magulang din ako. May lolo din at lola yun sa kabilang side, sa side ko.

“May tito din yon sa side ko. May pinsan din yon sa side ko. Hindi naman puwedeng lahat kami pupunta sa kanya. Ano siya Diyos?” emosyonal niyang pahayag 

Eh, ano ang reaksyon ng mommy niya sa nangyayari?

“Hindi na siya nagre-react kasi naha-high blood lang siya. Siyempre, hindi naman pabata yung mommy ko and kung anong desisyon nila, go with the flow,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Michael, “Mahirap din sa mommy ko yon kasi first apo niya yon sa akin, eh. Magkaiba kasi yung ikaw may anak ka tapos first mo, masaya yon. Pero pag yung anak mo ulit ng isa nagkaanak ng first ibang istorya yon, importante din yon lalo na kay mommy, babae siya, alam n’ya yung feeling.”

Umaasa si Michael na bago matapos ang taong 2016 ay madadala na niya sa kanilang bahay ang kanyang anak para makasama naman ang lola at lolo ng bata.

“Ayoko pong magbigay ng date pero sana before matapos ang taong ito maging okey na.”

Kasama rin daw sa birthday wish niya na makasama ang anak. Michael will turn 21 sa Nov. 26 at magkakaroon siya ng free concert sa Raja Sulayman Park ganap na 5 p.m.

“Siyempre gusto ko siyang makasama sa birthday ko, yung kami lang talagang dalawa ng anak ko tapos yung family ko. Kaya lang mukhang malabo pa, pero sana,” pag-asam ng Harana Prince.

Samantala, naikuwento rin ni Michael na halos mag-iisang taon na rin ang relasyon nila ni Garie Concepcion. Na-meet na raw niya si KC Concepcion and soon ay ang tatay naman ni Garie na si Gabby ang makikilala niya.

“Busy lang kasi siya kaya hindi pa kami nagmi-meet. Pero pag okey na yung schedule niya, magkakakilala din kami,” pagtatapos ni Michael.