• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Chris Martinez says his ‘Working Beks’ movie is about gay empowerment

Director Chris Martinez says his ‘Working Beks’ movie is about gay empowerment

Director Chris Martinez admits it’s a challenge for his new movie to bring in straight male audiences.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/28/2016 10:50 AM
Director Chris Martinez says his ‘Working Beks’ movie is about gay empowerment


102816-ChrisMartinez_PUSH.jpgIsa na namang gay-themed movie ang ipapalabas pagkatapos i-showing ng The Third Party at Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend. Ito ang bagong obra ni Direk Chris Martinez na Working Beks na produced ng Viva Films.

Aminado ang award-winning director na napakalaking challenge sa kanya ang gawin ang bagong obra lalo na’t nakasentro sa mga beki ang istorya nito.

“Challenge talaga kung paano mo mahimok yung mga straight guys na manood nitong pelikula,” simulang pahayag ng director sa Push.com.ph.

“Pero ang feeling ko naman, yung mga straight umiikot din naman sila sa mundo ng mga beki. Ang mga straight may mga beki friends, beki bosses, beki subordinates, beki parents, beki boyfriends. So, sana mahimuk natin yung mga straight to support and watch,” wish pa niya.

Sa tingin ba niya, bakit mahirap i-convince ang straight guys to watch gay-themed movie?

“Siguro, kasi pag papasok sila ng sinehan baka nahihiya sila kasi baka sabihin beki sila. Pero alam naman natin na hindi lahat ng nanonood na beki movie ay gays. Meron din namang straight,” sagot niya.

Iba raw ang pelikula niya kumpara sa dalawang naunang beki movie.

“Yung mga nauna, parang romcom sila, eh. Working Beks is not like that, meron din siyang romance, meron din siyang love story, meron din siyang kilig, but hindi siya yung pinaka-point ng kuwento.

“Ang pinaka-point nung limang kuwento nina John Lapus, Edgar Allan Guzman, Prince Stefan, TJ Trinidad at Joey Paras is actually gay empowerment, respect and love. Sa movie ko, lumalaban po ang mga bakla dito, hindi po sila nagpapaapi,” diin pa niya.

This is my tribute to the gays. I’ve been writing since 2004, so how many years na yon, 12 years na, I’ve been directing for 8 years, I think sa mga pelikula naman na sinulat ko makikita na parang meron siyang mga characters na gay or gay sensibility, pero wala pa talaga akong pelikula na para or tungkol sa gays.

“Parang feeling ko, hindi naman ako puwedeng hindi gumawa kasi gusto ko talagang gumawa ng ganito. Dream project po siya talaga,” pagtatapos ni Direk Chris.