• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrity Horrorserye: Ritz Azul reveals story of a friend possessed by an evil spirit

Celebrity Horrorserye: Ritz Azul reveals story of a friend possessed by an evil spirit

Ritz Azul details how she stayed with a friend who appeared to be possessed.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/29/2016 12:44 AM
Celebrity Horrorserye: Ritz Azul reveals story of a friend possessed by an evil spirit


102816-RitzAzul_PUSH.jpgHindi makakalimutan ng bagong Kapamilya na si Ritz Azul ang kanyang horror story na totoong nangyari sa kanya at sa kanyang kaibigan noong High School students pa lang sila sa probinsya ng Pampanga.

"Yung friend ko sinaniban siya ng evil spirit. High school kami noon uso siyempre ang retreat retreat yung batch namin sa Baguio kami. Pagdating namin sa rereat house sa Baguio doon na nag iba ang dating nya at tingin nya sa amin."

Hindi iniwan ni Ritz ang kaibigan kahit alam nya na may kakaiba ng nagaganap dito.

"Ako kang ang kasama nya sa room mamaya bigla na kang siya nangingisay, bigla-bigla mag-iiba ang boses niya. Mayroon boses ng matandang babae, sinasabi sa akin nasaan ang anak ko tapos sisigaw siya."

Hindi pa natapos dito ang pagsanib sa kaibigan ni Ritz. Mayroon din siyang narinig na ibang boses na lumabas sa kanyang kaibigan.

"After noong boses ng babae sumunod yung boses ng bata at may boses pa ng lalake. Ako naman hindi naman ako masyado matatakutin. Nakita yun ng ibang classmates namin, natakot na sila tapos tinawag na ang pari pinagdasal na yung classmate ko hanggang umalis yung spirits sa kanya."

Naawa si Ritz sa kaibigan ng humingi na ito ng tulong sa kanya.

"Hindi nya alam after mangyari yun wala siyang natatandaan. Noong patapos na yung sanib narinig ko yung boses nya humihingi siya ng tulong ano daw ba ang nangyayari napapagod na daw siya."

Nagpasalamat si Ritz at nalagpasan ng kaibigan nya ang pangyayaring iyon at ipinagdasal na hindi na ito maulit pa.