Kylie Verzosa is Miss International 2016

Kylie bested 70 other candidates in the pageant held in Tokyo, Japan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/28/2016 1:12 AM
Kylie Verzosa is Miss International 2016


102716-kylie1.jpgSi Kylie Verzosa ang 2016 Miss International na katatapos lang ganapin sa Tokyo, Japan.

Hindi napigilan na mapaluha ni Kylie ng tawagin ang pangalan ng ating bansa bilang winner ng prestigious title na nasa ika-56th na taon ngayong 2016.

"Ambassadors of Peace and Beauty" ang bansag sa title holders ng Miss International na kinikilala bilang isa sa big four beauty pageants kasama ng Miss Universe, Miss World, at Miss Earth.

Sa kanyang victory speech matapos makuha ang korona, pinasalamatan ni Kylie ang lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

"I cannot believe this moment right now I am ecstatic and happy. Thank you very much to my family, to the Philippines, to everyone who supported me. I did not go to this journey alone I have a lot of people who love me. This moment has only happened in my dreams. Thank you so much Japan! Thank you!"

Si Kylie ang pang anim na Pinay na nakasungkit ng Miss International crown na napanalunan ng ating bansa – noong 1964, 1970, 1979, 2005, 2013 at ngayong 2016. Inaasahan na isang victory parade at tribute ang inihahanda ng Binibining Pilipinas para kay Kylie.

Panoorin ang kanyang sagot sa Q&A portion: