• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pia Magalona says she has no say in Elmo Magalona’s personal life

EXCLUSIVE: Pia Magalona says she has no say in Elmo Magalona’s personal life

Pia Magalona says she just supports her children in their decisions.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/27/2016 8:49 AM
EXCLUSIVE: Pia Magalona says she has no say in Elmo Magalona’s personal life


102716-PiaMagalona.jpgFull support ang byuda ni Master Rapper Francis Magalona na si Pia Magalona para sa kanyang anak na si Elmo sa first solo album launch nito.

Sa ekslusibong panayam sa Push.com.ph, si Pia na nagsisilbi ding manager ni Elmo, naibahagi niya kung paano niya sinusuportahan ang anak sa showbiz career nito.

"I'm still his manager, I co-manage with Star Magic and I'm more of na nakatutok talaga for him then we worked together for Star Magic. But siyempre as a mother yung day-to-day ni Elmo yung mga health niya yung little details niya sa everyday yun ang ginagawa ko for him and I make sure he's grounded pa din."

Bago pa man uminit ang balitang hiwalayan ni Elmo sa girlfriend nito na si Janine Gutierrez, tinanong kay Pia kung ano ang masasabi niya sa love team ng anak kay Janella Salvador sa katatapos lang na Born for You. Sabi pa ni Pia ay okay siya at masaya siya para sa anak.

"They have a good team up and they worked together and they complimented each other, physically, and yung acting."

Hindi na din naiwasan na pag-usapan kung pabor ba siya kung sakaling magkaroon ng romantic involvement si Elmo kay Janella. Pero ayon mismo kay Pia, no say siya pagdating sa mga decision making ng kanyang mga anak.

"I have no say naman with regards to their personal life naman pero as a mother nandito ako to support whatever my son wants," pagtatapos ni Pia.