Derek Ramsay to star with Maja Salvador in a sexy movie

Derek Ramsay says he’s thankful that people trust him to be their leading man in sexy movies.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2016 8:47 AM
Derek Ramsay to star with Maja Salvador in a sexy movie


102716-DerekRamsat.jpgSi Derek Ramsay pala dapat ang gaganap ng role ni Sam Milby sa pelikulang The Third Party na pinagbibidahan din nina Zanjoe Marudo at Angel Locsin.

Naging busy lang kasi ginagawa ko rin itong The Escort kaya nagkaroon ng conflict sa schedule,” sabi ni Derek.

Pero may offer daw namang bagong sexy film sa kanya ang Star Cinema at makakasama niya rito si Maja Salvador.

Pabata nga nang pabata, eh,” natatawa niyang reaksyon. “But you know, I’m thankful na pinagkakatiwalaan nila ako at pinipili nila ako na maging leading man nila,” sey pa niya.

Samantala, aware si Derek sa isyu na maraming celebrities ang diumano’y nasa drug list ng PNP. Ayon sa kanya, pabor siya kung ilalabas ang listahan ng celebrities na involved sa drugs.

"We, celebrities, that doesn't make us better than everybody else. We're still the same as everybody. If you are involved with illegal substances and you don't want to stop, you should be put out there,” pahayag pa niya.

Pero hindi naman daw ibig sabihin no’n na kinakalaban na niya ang kapwa niya celebrities.

“For me, what’s important, bago sila maglabas, dapat talagang sigurado kasi masisira mo masisira mo ang buhay ng tao.

“So if it’s just hearsay, I don’t think you should ano, but if you’re 100% sure na this person was giving the chance to stop what they’re doing pero patuloy pa rin, I think, yes, you should expose that out to the public because as a celebrity, niloloko mo ‘yung mga taong naniniwala sa ‘yo.

“For me pa nga, we have more responsibility because there are so many people, especially the youth that look up to us na you’re lying to people if you’re saying like your certain way, pero ‘yun pala, nagtutulak ka ng droga.

“Pero again, dapat talaga, siguraduhin kung gumagamit or tumutulak,” deklara ng hunk actor.

Sa nagtutulak daw siya mas against at hindi sa user.

“Kasi, there could be so many reasons kung bakit gumagamit ng droga ang ibang tao. We’re not all as strong as one another, we’re not all as lucky to have a strong family that’s together.”

Dagdag pa ni Derek, “A lot of these kids out there have broken families kaya sila napupunta sila sa droga or sa hirap ng buhay, napupunta sila sa droga. So, we can’t judge these people as bad people just because they’re hooked on illegal substance.”