• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerika Ejercito says they waited for Jake to open up about being a father to Andi Eigenmann’s daught

Jerika Ejercito says they waited for Jake to open up about being a father to Andi Eigenmann’s daught

Jerika Ejercito airs their family side on the issue of Jake being the father of Andi Eigenmann’s daughter

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/26/2016 9:36 AM
Jerika Ejercito says they waited for Jake to open up about being a father to Andi Eigenmann’s daught


102616-JerikaEjercito_PUSH.jpgFull support ang pamilya ni Jake Ejercito ng tumanggap ito kamakailan ng award sa katatapos lang na Star Awards for TV ng PMPC bilang Best New Male TV Personality.

Kasama ni Jake ang kanyang ina na si Laarni Enriquez at ang kapatid na si Jerika Ejercito na nag paunlak ng interview tungkol sa pinag dadaanang issue ng kapatid na si Jake sa pagturo sa binata bilang ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Ayon sa nakatatandang kapatid ni Jake na si Jerika, ang kapatid lang niya ang makakasagot lahat ng mga tanong sa mga pinagdaraanan nitong gusot.

"I think this is a question that Jake should answer."

Dagdag pa ni Jerika, tanggap niya ang anak ni Andi noon pa man at wala siyang problema dito.

"I love Ellie. I love Ellie right from the beginning so wala naman naging problema."

Ayon din kay Jerika hindi na gaanong apektado ang magulang nila sa mga pangyayari. Aniya iniintay lang ng pamilya nila lalo na ang mga magulang nila na sina Mayor Erap Estrada at Laarni na magsalita si Jake sa kanila kung ano ang katotohanan.

"My parents they’re very used to it e. They've been in this industry way before we were born so I mean the only time they listen is when Jake tells them so whatever other people say about this it doesn't really matter so hinihintay nila manggaling kay Jake. That's how it always been."

Sabi pa ni Jerika, sa ngayon masaya ang kapatid na gugulin ang oras nito sa anak ni Andi kahit na napapalibutan ito ng kontrobersiya.

"Yes nagkikita sila if you follow him on social media, he’s very much involved in Ellie's life." pagtatapos ni Jerika.