• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador has no comment on Elmo Magalona and Janine Gutierrez breakup

Janella Salvador has no comment on Elmo Magalona and Janine Gutierrez breakup

Janella Salvador says she is always be there for Elmo Magalona as a friend.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/27/2016 2:10 AM
Janella Salvador has no comment on Elmo Magalona and Janine Gutierrez breakup


102616-JanellaSalvador_PUSH.jpgNadadawit ngayon ang pangalan ni Janella Salvador sa hiwalayan kamakailan ng kanyang ka-love team sa Born for You na si Elmo Magalona sa girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Ayon sa mga nag;abasang report kaugnay ng naganap na hiwalayan, nagkukulang na diumano ang oras ni Elmo at Janine kung kaya ito ang naging dahilan ng kanilang breakup.

Dahil dito hiningan ng reaksyon si Janella sa pangyayaring breakup sa pagitan ni Elmo at Janine.

“Ako, ang reaction ko diyan, wala, kasi as long as I know na wala naman akong ginawang masama, I’d rather stay out of that because I’m not involved naman.”

Kuwento pa ni Janella, ikinalungkot niya ng malaman niya ang naging breakup ni Elmo kay Janine.

“Of course I do feel bad. But I’m always going to be here for Elmo, siyempre more for Elmo because he’s my friend."

Sabi pa ni Janella, bilang kaibigan ay handa siya makinig kung sakaling mag open up ito sa kanya.

"If I have to comfort, I’m going to be here for him naman.”

Kibit balikat naman sinagot ng dalaga ang mga panunukso sa kanila kung may posibilidad ba  na magka gustuhan sila ano Elmo at sagot ni Janella, "Tingnan natin. He’s very caring as a friend, he will always think of others din.”