• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai delas Alas happy to finally portray her dream role as an ageing prostitute in ‘Area’

Ai-Ai delas Alas happy to finally portray her dream role as an ageing prostitute in ‘Area’

Ai-Ai delas Alas hopes Pinoy fans will like the film the same way foreign audiences did.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/27/2016 2:11 AM
Ai-Ai delas Alas happy to finally portray her dream role as an ageing prostitute in ‘Area’


102616-AiAi_PUSH.jpgMatagal nang dream role ni Ai-Ai delas Alas ang mag-portray ng isang laos na prostitute kaya laking pasasalamat niya sa BG Productions International na ibinigay sa kanya ang role ni Hilary sa pelikulang Area na naging closing film ng QCinema Film Festival. Ipapalabas na ito sa November 9 sa mga sinehan under the direction of Louie Ignacio.

Ayon sa interbyu ng Push.com.ph sa Comedy Concert Queen, wala siyang kiyeme sa pelikula at hindi rin naging awkward sa role kahit pa kailangan niyang magpakita ng skin sa ilang mga eksena.

“Wala namang awkward-awkward. Hindi naman. Kasi lahat naman ng mga roles na ginagampanan ko isinasapuso ko naman talaga. Artist, eh.

“Ginawa ko lang naman yung nararapat at dahil dream role ko nga itong maging laos na pokpok, kinarir ko talaga ang role,” masayang kuwento ni Ai-Ai.

Sana raw ay magustuhan ng Pinoy audience ang Area katulad ng pag-appreciate dito ng mga taga-Russia nu’ng ipinalabas ito sa 12 Eurasia International Film Festival at nanalo pa nga ng Special Jury Prize award.“Sana nga magustuhan, di ba? Pero kung hindi, okey lang din naman kasi kumbaga dito sanay din naman ako na… siguro more of sana kung gaano ako na-appreciate sa Russia, ganu’n din nila ako ma-appreciate dito.

“Pero okey lang, sanay na ako,” tawa pa niya.

“Iba ang mga Pinoy, eh. But ito, alam kong matutuwa sila dito at mae-entertain din sila kahit papaano,” she said.

Kasama rin sa Area ang anak ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas at aminado ang aktres na umiral ang pagka-stage mom niya sa anak.

“Gina-guide ko siyempre, kasi bago pa lang siya sa showbiz and sinasabi ko sa kanya na small acting lang pag film lalo na pag indie film and drama. Yon, mukhang nakinig naman siya kasi okey naman ang performance niya di ba?

“Magaling siya dito, sabi ko nga, ‘parang artistang luma ka na dito, marunong kang umarte.’ Hindi sa dahil anak ko siya ha.

“Pero dahil nanay nga ako, para sa akin siya ang pinakamagaling, hahaha!” proud niyang pahayag tungkol sa anak.

Eh, kanino ba namana ni Sancho ang galing sa pag-arte?

“Yung totoo? Nagmana siya sa tatay niya. Kasi ang tatay niya is a very, very good stage actor. Sumalangit nawa, syutay (patay) na ang fadir, na-tigibels (tigok) na siya last year,” kaswal niyang pahayag.

Samantala, wala raw magiging masyadong pagbabago kahi pa isa na siyang Papal awardee ngayon.

“May konti lang nabago, hindi naman kailangan lahat, hindi naman ako santo, eh. Hindi naman porke nabigyan ako ng Papal Award perfect na ako. Hindi naman ako perfect. Makasalanan ako, pero sabi ko nga, God is a forgiving God and our church, the catholic church is a church of chances.

“Kumbaga, kahit makasalanan ako mas nakita nila siguro kung paano ko di-nivert yung kasalanan ko to a good deeds para sa kapwa ko,” pagtatapos ni Ai-Ai.