• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros transforms into Angelina Jolie at Tokyo International Film Festival

Paolo Ballesteros transforms into Angelina Jolie at Tokyo International Film Festival

Paolo surprised everyone when he arrived as Angelina Jolie at the TIFF opening.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2016 11:42 PM
Paolo Ballesteros transforms into Angelina Jolie at Tokyo International Film Festival


102516-Paolo_PUSH.jpgUmeksena si Paolo Ballesteros habang rumarampa sa opening night at red carpet ng 29th Tokyo International Film Festival (TIFF) sa Japan.

Si Paolo ang bida sa pelikulang “Die Beautiful” na entry ng Pilipinas sa naturang festival.

Sa posts ng “Team Die Beautiful” na binubuo nina Ferdinand Lapuz, Perci Intalan at Jun Lana (director ng pelikula), proud na proud silang rumampa sa red carpet kasama ang Hollywood actress na si ‘Angelina Jolie.’

Sa huling interview namin kay Paolo sa press con ng “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” ay wala siyang nabanggit kung sinong celebrity ang gagayahin niya sa TIFF kaya ikinagulat ng marami ang pagta-transform niya bilang si Angelina Jolie.

Ang gown na ginamit ni Paolo ay gawa ni Rau Uson-Ablaza.

Nagsimula ang Tokyo International Film Festival noong Oct. 25 at magtatapos sa Nov. 3.

Ang “Die Beautiful” ay kasali sa Main Competition ng TIFF. Ang pelikula ay tungkol sa istorya ng isang transgender woman na si Trisha na ang request bago siya mamatay ay manatili siyang maganda.

102516-Paolo1_PUSH.jpg

102516-Paolo2_PUSH.jpg