• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador on Kim Chiu and Gerald Anderson working together again: ‘Parang lahat nag-heal na’

Maja Salvador on Kim Chiu and Gerald Anderson working together again: ‘Parang lahat nag-heal na’

The actress says she, Kim and Gerald have all become mature about their ‘situation.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/25/2016 8:42 PM
Maja Salvador on Kim Chiu and Gerald Anderson working together again: ‘Parang lahat nag-heal na’


102516-MajaSalvador_PUSH.jpgMasaya ngayon si Maja Salvador sa tinatakbo ng kanyang career dahil matapos ang kanyang Majesty Concert noong nakaraang taon, magbabalik concert scene ang actress sa “Only Maja” na gaganapin sa Music Museum sa darating na November 12.

Sa press conference ng kanyang concert, naibahagi ni Maja ang kanyang mga upcoming projects na gagawin kabilang dito ang pelikula na kanilang pag sasamahan ni Paolo Avelino na may working title na “I'm Drunk I Love You” at isa pang upcoming movie under Star Cinema.

Sa kabilang banda, direchahan na tinananong ang aktres kung open ba siya for possible project ulit with Kim Chiu or Gerald Anderson na magsasama ulit para sa isang teleserye after six years.

Matatandaan na kapwa naging ex-boyfriend ni Kim at Maja si Gerald na naging dahilan diumano ng pagkakasira ng kanilang pag kakaibigan. Pero ayon mismo kay Maja open siya sa lahat ng possibilities at wala na siyang problema dito.

"Yun po kung maganda po ang story why not? Lagi naman po natin sinasabi na ang trabaho ay trabaho at ang liit lang ng mundo namin. Kahit mga ayaw namin maka trabaho makakasama namin, yung mga hindi pa namin dapat makatrabaho, makakatrabaho din namin. Ayun ang dami pwede mangyari sa industriya natin at ang gusto lang naman natin ang makagawa ng proyekto para makapag pasaya ng mga tao," sambit ni Maja.

Sabi pa ng aktres masayang masaya siya para sa mga kaibigan na si Kim at Gerald, lalo na sa pag grow ng bawat isa bilang mga artista.

"Ako, masaya ako kasi ang saya tignan ng lahat. Lahat kasi nag-grow, parang lahat nag-heal na, lalo na para kay Kim, na nakikita natin ang lahat ng sakit na pinag daanan niya. But now she's a woman na and accepting lahat ng challenges at wala na siyang pakialam kung may mag-bash sa kanya or what, napaka professional niya. And I'm very happy kung anong klaseng babae na siya ngayon, sobrang strong niya at paganda siya ng paganda," sabi pa ni Maja.

Napapalibutan man ng intriga, positibo pa rin ang relasyon ni Maja sa mga kaibigan at masasabi niyang nirerespeto nila ang bawat isa. Masasabi rin niyang magkaibigan pa din sila ni Kim at nagkaka-text pa din sila ngunit hindi na nga lang nagkakaroon ng pagkakataon na lumabas pa tulad ng dati.