• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual still wants to work with Toni Gonzaga in a teleserye

Piolo Pascual still wants to work with Toni Gonzaga in a teleserye

Does Piolo want to have another child soon?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/24/2016 4:09 PM
Piolo Pascual still wants to work with Toni Gonzaga in a teleserye


102416-PioloPascual_PUSH.jpgAng teleseryeng Hawak Kamay noong 2014 ang huling teleseryeng ginawa ni Piolo Pascual sa ABS-CBN. Dapat sana ay muli na siyang mapapanood sa TV, pero na-shelve naman ang Written in our Stars ng Dreamscape Entertainment na dapat ay pagsasamahan nila ni Toni Gonzaga, Sam Milby at iba pang Kapamilya stars.

Sabi ni Piolo, gusto pa rin niyang gawin ang serye at mas may chance daw na matuloy ito lalo pa nga’t nakapanganak na si Toni.

“I actually messaged her, sabi ko, ‘if I were to do a soap, I really want it to do with you.’ So, sabi niya, she’s ready to work, maybe January or February (next year). Sabi niya, ibabalik lang daw niya ‘yung katawan niya as if walang nangyari,” masayang kuwento ni Piolo.

Ang SunPiology Run at sa sa pelikulang Once In A Lifetime with Yen Santos ang pinagkakaabalahan ngayon ni Papa P kaya aminado ang aktor na maluwag ang kanyang schedule.

“Just what I’ve said before, I had to take some time off, just really rest and I’m working on a movie, na-delay lang kami nang kaunti because we were fixing the script, but sorry, I was just busy with that.

“Other than that, wala namang ibang pinagkaaabalahan, sa bahay lang,” wika pa niya.

Speaking of Toni, natanong din si Papa P. kung hindi ba siya naiinggit na may baby na ito at kung hindi ba niya gustong magka-baby ulit.

“Gusto ko, I mean, you know, parang ang sarap ng may baby di ba? Ang sarap ng may baby sa bahay. But tiis-tiis lang. At least, you know, I have my son (Inigo Pascual) na kasama ko na sa mga lakaran,” sagot niya.

Kung kailan mangyayari ‘yon, hindi pa raw niya alam.

Anyway, with regards to Sunpiology Run, ayon sa aktor, ang longest run daw niya na nagawa ay 21 kilometers at target daw niya next year ay 42K.

“Maybe in February. It’s a bucket list. Parang you know, I’m turning 40 and I’ve been saying I have to do a 42K before I turn 40. So by hook or by crook, I have to do it next year,” deklara ng aktor.