• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricel Soriano receives Ading Fernando Lifetime Achievement Award at the Star Awards

Maricel Soriano receives Ading Fernando Lifetime Achievement Award at the Star Awards

Nag-uumapaw ang puso ni Diamond Star Maricel Soriano sa pag tanggap niya ng parangal bilang recipient ng Ading Fernando

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/24/2016 4:06 PM
Maricel Soriano receives Ading Fernando Lifetime Achievement Award at the Star Awards


102416-MaricelSoriano_PUSH.jpgNag-uumapaw ang puso ni Diamond Star Maricel Soriano sa pag tanggap niya ng parangal bilang recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award o ang pinaka mataas na parangal na binibigay ng PMPC (Philippine Movie Press Club) sa mga artistang may malaking ambag at nagawa sa showbiz industry.

Bahagi ng kanyang speech ang pasasalamat at papuri sa mga taong naging daan at kanyang naging pamilya sa kanyang 45 years sa showbiz gaya ni Comedy king Dolphy at Ms.Nida Blanca, na kanyang mga naging magulang sa longest running sitcom na Jan en Marsha at Charito Solis na tumayo bilang kanyang tita sa tunay na buhay.

Kasama din sa mga pinasalamatan ni Maria ang mga batang aktres na kanyang nakasama noon na sila Jolina Magdangal, Angelica Panganiban at Claudine Baretto na naging mahusay din sa mga karera nila sa showbiz hanggang sa kasalukuyan.

Pinapurihan din niya ang mga bagong henerasyon na artista gaya nila Julia Montes at Jodi Sta. Maria na aniya kasama siya sa nakiki-iyak sa tuwing siya ay manunuod sa mga palabas ng dalawa sa araw-araw.

Hindi din nawala sa kanyang acceptance speech ang pag bigay papuri sa mga bagong bida at bagong kontrabida na gumagawa ng pangalan sa industriya at nag-dadagdag ng kulay at ningning sa showbiz mapa-drama at comedy gaya ni Vice Ganda na kanyang nakasama minsan sa pelikula.

Aniya marami pa siyang gustong gawin, gaya ng pagkakataon na makatrabaho muli ang dating mga ka-trabaho at makasama ang mga bagong bituin at sundan ang yapak ng mga icons ng showbiz industry na sila Eddie Garcia, Susan Roces at Gloria Romero.

Naibahagi din ni Maria sa kanyang speech ang naging ups and down ng kanyang career na maituturing niyang biggest lesson sa buhay.

"Sa haba po ng karera ko marami pong achievements ang sinasabi pero sa totoong buhay halos pantay lang ang ala-ala at ang mga masasakit na pagkakamali sa trabaho, pamilya sa mga kaibigan sa mga ka-Ibigan at sa mga desisyon sa buhay, kinailangan ko sigurong pag daanan ang lahat ng ito ang mahalaga sabi nga ng daddy Dolphy ko 'anak nalagpasan mo na tapos na at nandito ka padin ang importante sa lahat na ikinatutuwa ko ang dami mo natutunan.”

Dagdag sa pasasalamat ni Maria ang mga taong patuloy na umunawa at umuunawa at nagbigay sa kanya ng unconditional love gaya ng kanyang mga die hard na taga-hangga at sa kanyang namayapang manager na si Wyngard Tracy.

Pinasalamatan din niya mismo ang Direktor ng Jan en Marsha na si Ading Fernando para sa pag hulma sa kanaya bilang Maricel Soriano kasama sila Tony Tuviera na nagsisilbing tatay tatayan niya ngayon at ang dalawang babae naniniwala sa kanya na sila Malou Choa Fagar at Viana Flores.

Sa huli pinasalamatan din ng Diamond Star ang kanyang inspirasyon sa buhay, ang kanyang idolo, si Wonder Woman at ang aktres na gumanap dito na si Lynda Carter pati na rin ang lahat ng bumubuo ng PMPC para sa nakuha niyang pag kilala.