• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta.Maria is happy things are okay between her and Iwa Moto

Jodi Sta.Maria is happy things are okay between her and Iwa Moto

Jodi Sta.Maria also suffers minor accident in movie shoot

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/24/2016 11:35 PM
Jodi Sta.Maria is happy things are okay between her and Iwa Moto


102516-JodiStaMaria_PUSH.jpgBusy ngayon si Jodi Sta. Maria sa shooting ng bago niyang pelikulang Dear Other Self sa ilalim ng Star Cinema. Puspusan ang shooting at kinakarir ni Jodi ang kanyang mga eksena kayat di naiwasan na nagkaroon ng minor accident.

"Nagkaroon ako ng konting pasa para doon sa isang eksena na ginawa namin para sa pelikulang Dear Other Self pero okay ako."

Binigyang detalye pa ni Jodi na hindi siya nagpagmit ng double para mas maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

"Umakyat ako ng bakod pero hindi ako nalaglag medyo ano lang trellis lang ang inakyat ko so uneven siya."

Sa social media pinag-usapan ang nangyaring ito kay Jodi at isa sa nagbigay ng positibong mensahe ang dating aktres na partner na ngayon ni Pampi Lacson na si Iwa Moto.

Masaya si Jodi na maayos na ang lahat sa pagitan nila. "Natutuwa naman ako na were okay! Thank you!"

Kinasasabikan na ng fans ni Jodi na mapanood ang bago niyang pelikula at muling masubaybayan ang kanilang idolo sa isang teleserye.