• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano shares the status of his relationship with Jessy Mendiola

Luis Manzano shares the status of his relationship with Jessy Mendiola

With their Star Magic Ball appearance, are Luis and Jessy officially a couple?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2016 6:06 PM
Luis Manzano shares the status of his relationship with Jessy Mendiola


102316-LuisManzano.jpgGaya ng inasahan magkasamang rumampa sa red carpet ng Star Magic Ball 2016 ang napapabalitang magkasintahan na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Ito ang unang pagkakataon na nakita sila na magkasama sa publiko matapos ang ilang kontroberysa na nakapalibot sa kanilang dalawa.

Dito dinirecho na ng tanong si Luis at Jessy tungkol sa kung ano tunay na estado ng kanilang relasyon, Ayon mismo kay Luis, "Let our smiles speak for ourselves, yung interview niya with Tito Boy sa Tonight With Boy Abunda and my interview, and our interview I think it leaves a smile on our faces and for me that's a very important thing, It's perfect, we're jolly, we're ecstatic about everything that we have right now."

Dito na rin nagbigay reaksyon si Luis kaugnay din sa nakaraang guesting ni Jessy sa TWBA kung saan pinili ni Jessy si Luis bilang kanyang lalaking papa-kasalan.

"That's the reason why we’re together tonight, that's the reason why everything falls in to place and beyond the right path that supposed to lead us," sabi ni Luis. 

Kuwento pa ng TV host mas masaya siya ngayon sa pagsasa pribado ng kanilang relationship status. 

"We think so, kumbaga kahit showbiz na nga kami parang kahit hindi na natin i-showbiz pa talaga, showbiz man kami, hindi pa din kami showbiz," pagtatapos ni Luis