• Home
  • Fresh Scoops
  • Laarni Enriquez reacts on Jake Ejercito and Andi Eigenmann’s paternity issue

Laarni Enriquez reacts on Jake Ejercito and Andi Eigenmann’s paternity issue

The former actress says she’s open to the fact that Andi’s daughter could be her grandchild.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/23/2016 11:51 PM
Laarni Enriquez reacts on Jake Ejercito and Andi Eigenmann’s paternity issue


102316-JakeLaarni_PUSH.jpgNagpaunlak ng interview si Laarni Enriquez at nagbigay ng kanyang reaction sa issue na pinagdadaanan ngayon ng anak na si Jake Ejercito na naituturong ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Naging malaman ang sagot ni Laarni.

"Alam mo ang importante kasi diyan kung ano ang sasabihin ng nanay. Ako naghihintay lang ako and I’m open, I can accept. Ang importante kasi para yan mag-nobyo na secret. Ang kailangan umamin yung lalake hindi ba? Siguro let’s just wait for Andi. I think nagbigay na siya ng statement and nandoon na naman lahat sa statement niya," sabi ng dating aktres.

Gaya ng isang ina na magkakaroon na ng apo, maganda ang naging reaction ni Laarni kung matatanggap ba niya ang bata.

"Napaka raming bata na minamahal namin na hindi sa amin, what more kung sa amin, siyempre tatanggapin namin mamahalin namin at ipagmamalaki naming siya," sabi pa ni Laarni.

Sa usapin naman kung ano ang nasabi dito ng ama ni Jake na si Manila Mayor Joseph Estrada, maigsi ang naging sagot ni Laarni.

"Hindi pa siya ganun updated honestly."

Malaki naman ang tiwala ni Laarni na kaya na ni Jake at Andi ang kanilang pinagdadaanan dahil nasa edad na ang mga ito.

"Marami pang proseso na pagdadaanan but they know what to do. Matatanda na sila," dagdag niyang pahayag. Sa acceptance speech ni Jake sa PMPC Star Awards for TV kung saan nanalo si Jake bilang Best New Male TV Personality, inihandog nito ang karangalan kay Ellie.