• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlon Stockinger admits he's dating Miss Universe Pia Wurtzbach

Marlon Stockinger admits he's dating Miss Universe Pia Wurtzbach

Marlon says Pia would have been his date to the Star Magic Ball if she were in Manila now.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2016 12:45 AM
Marlon Stockinger admits he's dating Miss Universe Pia Wurtzbach


102216-Marlon_push.jpgSpotted sa red carpet ng Star Magic Ball 2016 ang Fil -Swiss racer na si Marlon Stockinger para sumuporta sa kaibigan nitong si Matteo Gudicelli.

Matatandaan na si Marlon Stockinger ang masuwerteng binata na malapit ngayon sa puso ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Sa ball, Inamin ni Marlon ang tunay na estado ng relasyon nila ni Pia.

"The truth ? Let's put it this way if Pia was here tonight she'd be my date here so yeah obviously we see each other but we just want to keep it down low pretty much but yeah, I've been seeing Pia," kwento ni Marlon.

Aminado ang sports enthusiast na masuwerte siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na mas makilala pa ng mabuti si Pia.

"It's amazing! Pia is very beautiful of course, that is the reason why she is Miss Universe. I just feel lucky that we got to meet and we've been seeing each other," dagdag pa niya.

Pinagtanggol naman ng binata si Pia sa mga humuhusga sa dalaga ngayon lalo na para sa mga nagtatanong sa naudlot na pagtitinginan ni Pia at ang binansagan na sexiest doctor na si Dr. Mike Varshavski.

"I guess we wouldn't be seeing each other if that was happening, so what I know is it's just Pia and I at the moment," paliwanag ni Marlon.

Aminado din si Marlon na mahirap ang sitwasyon ng pagkakamabutihan ngayon nila ni Pia dahil sa distansya nilang dalawa.

"Well it's difficult obviously she's across the Atlantic right now, I'm here in the Philippines I'm also in Europe so whenever we get the chance, we make the most out of it."

Sa ngayon kinumpirma mismo ni Marlon na nasa dating stage pa din sila ni Pia at magandang Christmas gift kung sasagutin siya ni Pia bago mag-Pasko.

"You can say that were on the early stages, obviously we've only just begun to know each other and can't predict the future right now, but probably that would be an awesome Christmas gift, so we'll see," pagtatapos ni Marlon