• Home
  • Fresh Scoops
  • Lovi Poe is thankful to Derek Ramsay for being protective in their love scenes

Lovi Poe is thankful to Derek Ramsay for being protective in their love scenes

Lovi Poe says Derek Ramsay even refused to do a very sensual scene.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/22/2016 12:54 PM
Lovi Poe is thankful to Derek Ramsay for being protective in their love scenes


102216-LoviPoe.jpgPinaka-daring para kay Lovi Poe ang latest movie niya sa Regal Films na The Escort kung saan kapartner niya ang hunky actor na si Derek Ramsay. Ayon sa aktres, tinanggap niya ang pelikula dahil alam niyang hindi naman siya mababastos sa movie.

“I accepted it kasi maaalagaan ako at hindi ako mababastos at all. Kasi yung director namin, ano talaga, inalagaan din kami,” rason ni Lovi kung bakit tinanggap ang project.

Thankful din si Lovi sa pag-aalagang ginawa sa kanya ng leading man habang kinukunan ang kanilang love scene.

“May mga covers naman yung katawan ko, pero minsan, may mga lumalabas-labas kaya nakadikit talaga ako sa kanya. Sabi niya, ‘Lovi, don’t worry, ako ang bahala sa yo.’ And naramdaman ko naman talaga yon na very sincere si Derek, very maalaga,” kuwento ng aktres.

Totoo bang si Derek mismo ang nag-sabi na huwag niyang gawin ang isang sexual position (dog-style) na ipinapagawa ni direk Enzo Williams sa isang love scene?

“Ako kasi, if my director wants me to do something I’m very obedient. Kumbaga, as an actress, go lang, ganu’n lang naman yung ugali ko.

“Pero since… do’n ko nga nakita kay Derek na kahit lalaki siya, some guys would take advantage of the situation pero siya, ‘Lovi, no!’ Siya na mismo ang nagsabi na ‘wag, sige ka, gawin mo yan itutulak lang kita.’ So, hindi na namin ginawa,” paliwanag ni Lovi.

Ayon pa kay Lovi, sa mga nakausap niyang aktres na nakatrabaho ni Derek, wala rin daw itong record na nag-take advantage sa kapareha niya.

“I think that’s just who he is as a person. Kasi parang napag-usapan ko na rin yan with other people na nakatrabaho siya, na talagang maalaga siya. You’ll feel secure… wala talaga,” sey pa niya.

Alam din ni Lovi na walang dahilan para magselos ang girlfriend ni Derek sa kanilang love scenes.

“Malabong mangyari yon. Schoolmates kami ng GF niya, but we’re not super close pero magkaibigan kami,” dagdag pa niya.

Meron na ba siyang naka-love scenes dati na naramdaman niyang nag-take advantage sa kanya?

“Hindi naman sa… I can’t say na nag-take advantage or whatever, pero some people get carried away. Basta ganu’n. Kasi ako, babae naman ako and for me, yung mga ganyang bagay it’s very easy to control, pero sa lalaki, ewan ko lang,” natatawa niyang pagtatapos.