• Home
  • Fresh Scoops
  • Jovit Baldivino and girlfriend surprised with break up rumors

Jovit Baldivino and girlfriend surprised with break up rumors

Jovit also reveals if he and Shara Chavez will be tying the knot in the near future.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2016 12:42 AM
Jovit Baldivino and girlfriend surprised with break up rumors


102216-JovitShara_PUSH.jpgFirst time na naglakad ng may partner ni Jovit Baldevino sa red carpet ng Star Magic Ball.

Ayon kay Jovit masayang masaya siya ngayon dahil kasama niya ang kanyang girlfriend na si Shara Chavez sa taunang celebration ng Star Magic.

"Masaya po kasi first time ko po magpunta sa Star Magic Ball ng may ka-date in my six years sa pag-attend ng Star Magic Ball," tuwang-tuwa na kwento ni Jovit.

Samantala, pinabulaaan ng singer ang balitang hiwalayan di umano nila ng kanyang girlfriend, na nanganak lang a couple of months ago sa kanilang panganay. Kwento pa ni Jovit maaring hindi lang sila nakikita ng mga tao kaya kumalat ang mga balitang ang break na daw sila.

"Nagulat po kaming dalawa kasi po nabalitaan po namin na we have parted ways na daw po. Sa totoo lang po hindi po tunay yun , busy lang po kami sa negosyo namin and ako naman busy din sa career. Siguro po nawawalan lang po kami ng time na makita together pero we're still together," diin ng unang Pilipinas Got Talent winner.

Na itanong na din kay Jovit kung nasa plano na ba nila ang magpakasal pero ayon sa singer, "Focus lang po muna kami kay baby pero darating din po kami diyan."