Grae Fernandez reveals he visited his father in jail

The teen actor said his father Mark Anthony Fernandez cried in front of him for the first time.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2016 12:41 AM
Grae Fernandez reveals he visited his father in jail


102216-GraeFernandez_PUSH.jpgKasama sa naglakad na mga bituin sa 10th Star Magic Ball red carpet si Grae Fernandez. Solo flight ang binata at wala itong ka-date.

Dito naikuwento ng binata sa media na na-bisita na niya ang kanyang ama na si Mark Anthony Fernandez matapos itong mahuli ng mga pulis kamakailan sa Angeles Pampanga dahil sa pagkakaroon nito ng marijuana sa kanyang sasakyan.

Kuwento ni Grae na okay naman daw ang kanyang ama sa ng bisitahin niya ito pero naging emosyonal daw ang kanilang pagkikita.

"Opo nadalaw ko na, okay naman po siya, pero naiiyak po siya sa akin for the first time, at first time ko ding nakita na umiyak siya."

Na itanong din sa binata ang kanyang emotional tweet para kay Mark na ayon sa kanya ito lang ang nakikita niyang paraan para maipagtanggol pa din niya ang ama.

"Siyempre po para po hindi naman na po mahusgahan ng maraming tao, kasi hindi naman nila nakikita yung kabaitan ng tatay ko at hindi naman nila nakita lahat ng sufferings sa life niya. Ang nakita lang ng mga tao yung nasa balita," pagtatapos ni Grae.