• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gary Valenciano admits US show affected by stricter visa approval

EXCLUSIVE: Gary Valenciano admits US show affected by stricter visa approval

Gary Valenciano feels the effect of strained US ties.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2016 12:56 PM
EXCLUSIVE: Gary Valenciano admits US show affected by stricter visa approval


102216-GaryValenciano.jpgExclusive na nagpa-interview ang mag-amang Gary Valenciano at Gab Valenciano sa Departure Area ng NAIA. Kasama ang mag-ama bilang bahagi ng The Filipino-American History Month na magaganap sa Greek Theater sa Los Angeles sa October 23.

Malungkot na ibinalita ni Gary na hindi kumpleto ang kanyang staff na aalis para sa performance dahil na-deny ng US visa ang kanyang sound engineer na lagi niyang ka trabaho.

"Na-deny ng visa ang sound engineer ko na sayang. Pero we will get a sound engineer there. Iba lang kasi talaga kapag kilala mo ang ka trabaho mo."

Maiuugnay ito sa ‘di magandang relationship ng ating bansa at ng Amerika kayat mahigpit na muli ang pagbibigay ng visa sa ating mga kababayan. Pero positibo pa rin si Gary bilang isang performer.

"Our role here now as a Filipino artist is to bring out the best in the Filipino through what we do, what we say, how we act, and through our performance. Kasi sabi nga nila di ba music breaks all barriers pati language barrier," pagtatapos ni Gary.