Exclusive na
nagpa-interview ang mag-amang Gary Valenciano at Gab Valenciano sa Departure
Area ng NAIA. Kasama ang mag-ama bilang bahagi ng The Filipino-American History
Month na magaganap sa Greek Theater sa Los Angeles sa October 23.
Malungkot na ibinalita ni Gary na hindi kumpleto ang kanyang staff na aalis para sa performance dahil na-deny ng US visa ang kanyang sound engineer na lagi niyang ka trabaho.
"Na-deny ng visa ang sound engineer ko na sayang. Pero we will get a sound engineer there. Iba lang kasi talaga kapag kilala mo ang ka trabaho mo."
Maiuugnay ito sa ‘di magandang relationship ng ating bansa at ng Amerika kayat mahigpit na muli ang pagbibigay ng visa sa ating mga kababayan. Pero positibo pa rin si Gary bilang isang performer.
"Our role
here now as a Filipino artist is to bring out the best in the Filipino through
what we do, what we say, how we act, and through our performance. Kasi sabi nga
nila di ba music breaks all barriers pati language barrier," pagtatapos ni
Gary.