• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gab Valenciano finally speaks up on marital issues with Tricia Centenera

EXCLUSIVE: Gab Valenciano finally speaks up on marital issues with Tricia Centenera

Gab Valenciano reveals that they are still trying to work things out

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2016 12:40 AM
EXCLUSIVE: Gab Valenciano finally speaks up on marital issues with Tricia Centenera


102216-GabValenciano.jpgSabay na tumulak pa-America si Mr. Pure Energy Gary V at ang anak nitong si Gab Valenciano para mag-perform sa isang concert para sa mga kababayang Pinoy kasabay ng pagdiriwang ng Filipino-American History Month ngayong darating na October 23 sa historic Greek theater sa Los Angeles, California.          

Sa ekslusibong panayam ng Push.com.ph sa mag-amang Valenciano sa airport, aminado si Gab na magandang panahon ito para maka-bonding niya ang kanyang mga magulang sa kabila ng mainit pa rin na pinag-uusapang marital issues sa pagitan nilang mag-asawang si Tricia Centenera.

Ayon kay Gab, hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa din nilang ayusin ni Tricia ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

"Well right now definitely we are trying to keep it as contained as possible and as private as possible. And at the end of the day I just wish that everyone—all the parties—the best and wala na din akong masasabi na hindi na yata nasabi. I wish really not to defend myself at this point. All I can say is I'm giving everything to God and siya na bahala."

Kuwento pa ni Gab malaking tulong ang naging gabay ng kanyang mga magulang na sila Gary at Angeli sa kanyang pag-recover sa pinagdadaan niyang pagsubok.

"I'm okay. I think the very big part the reason why I'm okay is because of my parents. They've really shown me what it's meant, the meaning of a true parent. So with the guidance of some friends and loved ones I'm okay."

Dagdag pa ni Gab dahil sa mga pangyayari sa kanilang pamilya, umiwas muna siya sa mga social media accounts niya.

"Yes I've learned my lesson many times when I much younger and I've gotten to the point na puro good vibes na lang. If you notice my social media is all about positivity and living your life to the fullest and I'd rather to keep it that way. 

Dahil sa mga pangyayari at issues sa kanyang buhay, kuwento ni Gab ay marami siyang natutunan at isa dito ang mas matibay na relasyon sa Panginoon.

"I think the very big thing I've learned is a that to keep close those close to you, because at the end of the day sila lang yung goung to be there for you no matter what. Actually I've learned a lot of lessons within the past few months and I think the number one beyond that is God matters," pagtatapos niya.