• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla is proud of mom Karla Estrada for winning a Push Award

Daniel Padilla is proud of mom Karla Estrada for winning a Push Award

Daniel Padilla says his mother deserves an award for all her sacrifices for them.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2016 12:58 PM
Daniel Padilla is proud of mom Karla Estrada for winning a Push Award


102216-DanielPadilla.jpgProud son si Daniel Padilla para sa kanyang ina na si Karla Estrada dahil bukod sa kanya ay kasamang pinarangalan din ang kanyang ina sa katatapos lang na Push Awards 2016.

Tinanghal bilang Most Popular Celebrity Mother ang Magandang Buhay host na si Karla. Sa panayam na ito sa teen king, masaya siya para sa parangal na kanilang nataggap.

"Yung nanay ko nanalo. Ang galing ng nanay ko di ba? Deserve niya yun, Rak en roll yung nanay ko. Sayang yung tatay ko walang award pero magkakaroon din yun."

Pabiro man nagku-kuwento, ramdam kay Daniel ang labis na pagka-proud sa kanyang ina at inalala pa ang mga naging sakripisyo ng ina noong panahon na hindi pa siya artisa.

"Actually hindi ko alam. Along the way, pinakita sa akin ni Kathryn (Bernardo) yung picture na nanalo nga yung nanay ko. Tapos parang para sa akin, hindi pa ako nag-artista sa dami ng pinagdaanan namin noong hindi pa ako nag artista."

Nagpasalamat din si Daniel sa lahat ng sumuporta, naniwala at naka kita ng kabutihan ng kaniyang ina mula noon hanggang ngayon.

"Ang award niya para sa mga taong nagmamahal sa kanya at para sa pagiging mabuting nanay niya sa amin. Talagang lahat bawing-bawi dahil sa kabutihan niya," sabi pa ni Daniel.