• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis and her assistant trade emotional thank-you messages

Anne Curtis and her assistant trade emotional thank-you messages

Anne Curtis says it felt like her birthday with all the warm messages she received.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2016 12:55 PM
Anne Curtis and her assistant trade emotional thank-you messages


102216-AnneCurtis.jpgTrending sa social media ang naging guest appearance kamakailan ni Anne Curtis sa Magandang Buhay kung saan mas nakilala pa siya ng husto ng kanyang mga fans sa tulong ng kanyang personal assistant na si Mary Anne.

Aniya 12 years old palang daw si Anne ay si Mary Anne na ang laging kasama nito sa lahat ng naging commitments ni Anne sa nag daang panahon.

Hindi tuloy napigilan maging emotional ng dalawa ng pinasalamatan ni Mary Anne ng personal ang kanyang alaga ng mga oras na iyon para lahat ng bagay na naitulong nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kuwento ni Anne first time daw magpa-interview ni Mary Anne at marami pa daw sana itong sasabihin pero inunahan na daw ito ng hiya.

"Oo si Mary Ann, Mary Anne Curtis Smith. Sobra kasi after sabi niya sa akin marami pa daw siyang hindi nasabi kasi na star struck na daw siya."

Dagdag pa ng aktres pakiramdam niya ay birthday niya ng mga oras na iyon dahil sa magandang message na kanyang nakuha mula sa mga taong malalapit sa kanya.

"Birthday ko ba? Parang ganun yung naramdaman ko kaya sobra akong nagpapasalamat sa Magandang Buhay sa mga [hosts] and the whole staff. It was a good episode, parang it was so heartwarmingly personal," sabi pa ni Anne.