• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban reacts on rumored reconciliation with John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban reacts on rumored reconciliation with John Lloyd Cruz

The actress also shares an update on her upcoming Star Cinema movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/23/2016 12:43 AM
Angelica Panganiban reacts on rumored reconciliation with John Lloyd Cruz


102216-AngelicaP.jpgSolo na rumampa sa red carpet ng Star Magic Ball 2016 ang aktres na si Angelica Panganiban. Tulad ng inasahan ng karamihan, hindi kasama ni Angge ang kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz. Dumating si Lloydie na kasama ang co-star niya sa "Ang Babaeng Humayo" na si Ms. Charo Santos.

Napabalita man na nagkikita na silang muli, ayon kay Angelica, nanatili pa din ang magandang friendship nila ni John Lloyd kahit na hindi na sila romantically involved.

Naitanong din kay Angelica kung ano ang masasabi niya sa linking issues na lumalabas sa pagitan ni Maja at ng kanyang ex.

"Wala naman, mas nauna na talaga sila mas maging magkaibigan kaysa sa akin," pahayag ng aktres.

Ayon kay Angelica masaya siya ngayon sa pagiging single at na excite siya sa mga proyekto na kanyang ginagawa.

"Ngayon oo, excited lang ako sa lahat ng trabaho ko," dagdag pa niya.

Naitanong na din kay Angelica ang status ng upcoming movie niya kasama si Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. Kwento ng aktres excited siya para sa bago nilang maipakakita sa madla

"Tapos na kami actually, well habang tumatagal yung pag gawa namin sa movie, marami ako na di-discover sa mga ka-trabaho ko, hindi lang sa mga artistang involved sa pelikula, kundi sa mga ka-trabaho sa likod ng camera kaya habang tumatagal mas exciting at excited ako para sa mga tao na mapanuod ang pelikula na bagong kuwento at bagong atake ng pagmamahalan." pagtatapos na lahad sa amin ni Angelica.