• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Tolentino now vocal about separation from husband Lander Vera Perez

Regine Tolentino now vocal about separation from husband Lander Vera Perez

Regine Tolentino admits she has plans to legalize her separation from husband Lander Vera Perez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2016 11:42 AM
Regine Tolentino now vocal about separation from husband Lander Vera Perez


102116-ReginTolentino.jpgNgayon lang unti-unting inaamin ni Regine Tolentino ang tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawang si Lander Vera Perez. Dati ay pangiti-ngiti lang siya pag tinatanong namin tungkol dito at nakikiusap na huwag na itong pag-usapan, pero ngayon mukhang handa na siyang sagutin ang isyu.

Ayon pa kay Regine, halos isang taon at kalahati na silang separated ng dating asawa.

“It’s been a year and a half na rin pero dinaan ko na lang sa pagsasayaw ang lahat. That’s how I was able to cope – with dancing,” pahayag ng ng Dance Dive at Zumba Queen.

Patuloy pa ni Regine, “There are times na wala talaga ako sa mood, and I feel so depressed and I feel so ugly. Mga ilang months din ‘yun, and I’m still stuck to it, eh.

“Alam mo, may mga times talaga na wala ka naman sa mood, eh pero kailangan mo talagang pilitin kasi trabaho mo, commitment mo, medyo hinahanap na rin ng katawan.

“So, it was really hard na medyo naiiyak ka, pero sumasayaw ka ng happy, but because ‘yung energy ng tao, they give it back.”

Mabuti na lang daw ang nandiyan ang dalawang anak niyang babae na sina Reign at Reagan na parehong ng dalaga ngayon. Sa mga anak niya raw siya kumukuha ng lakas.

“I always try to stay positive and that’s what helps me get through everything. I have my mindset on where I want to go sa buhay, sa career, sa family and that’s what keeps me healthy and strong – that motivation,” sabi pa ni Regine.

“I’m so inspired sa trabaho kasi it’s dancing, eh. That’s my passion. It’s what keeps me alive and what keeps my heart pumping and I’m just very fortunate na nase-share ko ‘yun sa mga tao and I get that energy sa kanila,” dagdag pa niya.

May plano na rin si Regine na i-legalize ang tungkol sa separation niya with Lander kaya lang ayaw niya munang idetalye ang tungkol dito.

Samantala, succesful ang 2nd Zstar Ball ni Regine dahil punong-puno ang Grand Ballroom ng Rembrandt. Ang nasabing event na produced ng 4.0 Events and RT Studios ay pinaghalong beauty pageant (Ms. Dance Fitness Philippines) and fashion show featuring her collections of gowns na siya mismo ang nag-design. It was also a gathering of group and dance fitness instructors and enthusiasts.