• Home
  • Fresh Scoops
  • KZ, Kyla, Yeng, and Angeline talk About missing Rachelle Ann Go at the Divas Concert

KZ, Kyla, Yeng, and Angeline talk About missing Rachelle Ann Go at the Divas Concert

KZ, Kyla, Yeng, and Angeline say they all understand it’s Rachelle Ann Go’s big chance for a highly-coveted role.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2016 11:44 AM
KZ, Kyla, Yeng, and Angeline talk About missing Rachelle Ann Go at the Divas Concert


102116-Divas.jpgMagsasama-sama ang apat sa mga magagaling na mangaawit na sina KZ Tandingan, Kyla, Yeng Constantino, at Angeline Quinto para sa isang concert na Divas Live in Manila na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na November 11.

Matatandaan din na kasama dapat sa concert na ito ang ngayo'y international artist na si Rachelle Ann Go pero sa di inasahang pagkakataon nagkaroon ng mas malaking commitment ito kung saan napili ito para gumanap bilang si Fantine sa Les Miserables.

Sa pakikipagkuwentuhan nila KZ, Kyla Yeng and Angeline sa mga entertainment press, hindi maiwasan na itanong sa kanila kung ano ang naging reaksyon nila ng nalaman nila na hindi na makakasama si Rachelle Ann sa kanilang concert.

Kuwento ni Angeline, ikinagulat niya nang malaman niya na hindi na nga talaga makakasama si Rachelle Ann sa Divas Concert dahil sa schedule nito

"Ganun po siguro talaga, nasa London siya nakaka lungkot po yun para sa amin kasi nung press conference natin kasama siya. Honestly nagulat po na confirmed na hindi na talaga part si Rachelle sa Divas Live in Manila pero naiintindihan naman natin yun kung kailangan talaga niya mag stay pa sa London."

Masaya naman si Yeng para sa big break ng kasamahan dahil sa alam niyang malaking opportunity ito sa career ni Rachelle

"Siyempre bilang magkakapatid sa industriya, big break po yun for her career and we know na gustong gusto niya chance na yun, okay lang naman po talaga."

Naintindihan naman din ni Kyla ang naging desisyon ni Rachelle dahil kung siya din ang nasa sitwasyon hindi din daw siya makakatanggi.

"We all understand her kasi kung isa man samin ang magkaroon ng ganong opportunity siyempre international gate yun di ba so how could you resist naman sa ganoong opportunity? Kaya we all understand and support her ganun din naman siya. Actually nag-message siya sa amin isa isa nag sorry siya kasi gusto pa din niya makasama dito but siyempre dahil sa mga opportunities na dumating kinailangan niya talaga pumili so I think she did the right choice naman."

Samantala aminado naman si KZ na masayang masaya siya para sa achievement ng bawat isa dahil para sa kanya isang napakalaking opportunity ang makasama ang mga magagaling na mang aawit sa isang stage na kanya lang pinapanood noon sa TV.