• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu admits she's happy for Xian Lim having a new leading lady

Kim Chiu admits she's happy for Xian Lim having a new leading lady

Kim Chiu says she and Xian Lim are open to projects offered to them, regardless of who they will be paired with.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2016 11:47 AM
Kim Chiu admits she's happy for Xian Lim having a new leading lady


102116-KimChiu1.jpgMagbibida sa isang proyekto ni Jason Paul Laxamana ang Mr. Right ni Kim na si Xian Lim kung saan makakasama ng aktor si Coleen Garcia bilang kanyang leading lady.

Kuwento pa ni Kim masaya siya para kay Xian para sa mga opportunity na nagbubukas para sa kanila kahit na hindi sila magkasama. Aniya. malaki na ang tiwala nila sa isa't isa sa kung sino pa man ang makasama at makapareha nila.

"Kami naman open naman na kami kasi hindi naman na kami teenager na napapabilang pa sa sweet loving loving, andami na kasi teen love teams. E medyo nasa mid-20s na kami so parang wag na tayong makisali doon at kung ano ang binigay sa atin trabaho yun na lang.”

Dahil sa pansamantalang pag explore ngayon nila Kim at Xian sa kanilang mga career, umiinit naman ngayon ang usap usapan para sa balik tambalan diumano ni Kim Chiu at Gerald Anderson para sa isang proyekto.

Naging mailap man si Kim na pag-usapan ito sa kanyang mga nakaraang interviews hindi naman itinanggi ngayon ng Chinita Princess na walang issue sa kanya kung sino man ang kanyang maging ka trabaho. Aniya, "Okay naman ako sa lahat, wala naman issue, ang trabaho ay trabaho kung ano ang ibigay ng management sa atin yun yon professional dapat."