Magbibida sa isang proyekto ni Jason Paul
Laxamana ang Mr. Right ni Kim na si Xian Lim kung saan makakasama ng aktor si
Coleen Garcia bilang kanyang leading lady.
Kuwento pa ni Kim masaya siya para kay Xian para sa mga opportunity na nagbubukas para sa kanila kahit na hindi sila magkasama. Aniya. malaki na ang tiwala nila sa isa't isa sa kung sino pa man ang makasama at makapareha nila.
"Kami naman open naman na kami kasi hindi naman na kami teenager na napapabilang pa sa sweet loving loving, andami na kasi teen love teams. E medyo nasa mid-20s na kami so parang wag na tayong makisali doon at kung ano ang binigay sa atin trabaho yun na lang.”
Dahil sa pansamantalang pag explore ngayon nila Kim at Xian sa kanilang mga career, umiinit naman ngayon ang usap usapan para sa balik tambalan diumano ni Kim Chiu at Gerald Anderson para sa isang proyekto.
Naging mailap man si Kim na pag-usapan ito
sa kanyang mga nakaraang interviews hindi naman itinanggi ngayon ng Chinita
Princess na walang issue sa kanya kung sino man ang kanyang maging ka trabaho.
Aniya, "Okay naman ako sa lahat, wala naman issue, ang trabaho ay trabaho
kung ano ang ibigay ng management sa atin yun yon professional dapat."