Jake Cuenca encourages fans to support indie movies

Jake Cuenca is excited about his indi film ‘Mulat’ finally getting a local commercial run.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/21/2016 11:45 AM
Jake Cuenca encourages fans to support indie movies


102116-JakeCuenca.jpgExcited na nagkuwento si Jake Cuenca tungkol sa kanyang indie film na Mulat na pagkatapos maipalabas sa ibang bansa at umani ng mga parangal ay magkakaroon na ng commercial screening sa Pilipinas sa November 2. Ka-partner ni Jake ang Star Magic Angel na si Loren Burgos na first time sumabak sa matitinding love scenes na mapapanood sa kanilang pelikula.

Ayon kay Jake, wala sa record niya ang mag take advantage sa kanyang mga kapareha lalo na kung love scenes ang pag uusapan.

"All my leading ladies ‘di kami nagka problema sa love scenes. At the end of the day, it’s work. Lahat tayo nagtatrabaho dito."

Nagkamit si Jake ng international acting awards para sa Mulat. Dito nakuha niya ang Best Actor para sa 2014 World Cinema Festival sa Brazil at sa International Film Festival in Manhattan. Dito naibahagi ni Jake na sana ay tangkilikin din ng local audience ang indie movies na pinapalakpakan sa ibang bansa.

"I tell people to watch indie movies to get educated as well and to watch different materials," sabi pa ni Jake.