Arnel Pineda denies rumors that Journey has disbanded

Arnel Pineda says that he will be leaving soon to do more shows with Journey.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2016 11:42 AM
Arnel Pineda denies rumors that Journey has disbanded


102116-ArnelPineda.jpgBalik-Pilipinas muna ang Journey vocalist na si Arnel Pineda para sa Powerhouse concert na gaganapin sa Oct. 28, 7:30 p.m. sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Ayon kay Arnel sa iterbyu ng Push.com. ph, excited siya na makasama ang mga new breed at world-class Pinoy performers sa Powerhouse. Hindi rin daw maiwasang makaramdam siya ng pagka-ilang dahil puro young performers ang makakasama niya tulad ng The 4th Impact, Michael Pangilinan at Morissette Amon.

“But at the same time, I’m very, very happy and grateful na makakasama ko ang mga tulad nila kasi marami kang natututunan,” sabi pa niya.

Bilang isang successful vocalist ng Journey ibinahagi ni Arnel kung ano ang dapat gawin ng iba pang nag-a-aspire din na makilala sa international music scene.

“Kailangan lang, magtuloy lang nang magtuloy. We have to continue what we’re doing. As in, forward talaga. No hesitation, no stopping,” paalala pa ni Arnel.

Dagdag pa ng singer, “Kasi nandu’n na sa puso mo ‘yun, eh. Innate na ‘yun, eh. ‘Yung joy mo, ‘yung goal mo, ‘yon ‘yun, eh.

“Tapusin mo ‘yung misyon mo, and then, after matapos mo ‘yun, siyempre, human nature, tayong lahat, we always aspire for more. Pag natapos na natin ‘yung level na ‘yun, we go to the next level. Wala tayong satisfaction, eh.”

Dapat din daw na maging masaya sa kung anumang success na dumating.

“Hopefully, ang isa ring goal dito, we have to make sure that we are all happy about our success. Kasi kung hindi, at the end of the day, pag-uwi mo sa bahay, I mean, miserable ka pa rin kasi you’re not happy,” sey pa niya.

Samantala, nilinaw din ni Arnel ang isyu na na-disband na ang grupong Journey. Ayon sa kanya, buo pa rin daw ang grupo.

“We tour every year. Year after year we do at least, 55 to 65 shows a year. We just finished, actually, I just came back from America a month ago, umuwi ako, we were able to do 62 shows. Then, I’m about to leave next month to do a couple of shows with them,” paglilinaw niya.

Patuloy pa niya, “Tapos, we come back next year, I think, confirmed na po, babalik kami dito sa Pilipinas in the middle of February, sa Mall of Asia grounds. It will be part of our Asian tour. We’ll do Japan, Singapore, Hong Kong, Malaysia, Taipe and Thailand. So kasama ang Philippines.”

Meron pa ba siyang ina-aspire bilang singer?

“Parang ito na ‘yung pinnacle of my luck, kasama na siyempre ang hard work. Mas mataas pa rito? Parang wala na. Masyado nang mabait ang Diyos sa akin. Kung meron pa, I would welcome.

“Pero I’m not getting any younger. I’m almost 50 now, I think at this point in my life I just have to feel contented, satisfied and very, very grateful for all the blessings that I’ve had,” pahayag pa niya.

Samantala, ang Powerhouse concert ay produced ng Lucky 7 Koi Production na binubuo ng mga mayayamang magkakaibigan na sina Joan Alarilla, Atty. Carmelita Lozada, Lily Chua, Carol Galope, Liza Licup, Emie Domingo, Neth Mostoles, Divine Lozada-Arellano, Robert Alarcilla at Judith Sta. Cruz.