Kim Chiu admits she has stopped looking for Mr. Right

Kim Chiu is also happy to learn she will have a new album next year.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/20/2016 9:59 AM
Kim Chiu admits she has stopped looking for Mr. Right


102016-Kimchiu_PUSH.jpgPersonal na tinanggap ni Chinita Princess Kim Chiu ang Push Gram Music Artist award para sa success ng kanyang hit song na “Mr. Right” sa katatapos lang na Push awards 2016. Nakalaban ni Kim sa parehong category ang ilan sa magagaling na singers at mga musicians.

Pero ayon kay Kim, isa pang award ang nakuha niya ng mga oras na iyun dahil sa ibinulong sa kanya ng head ng Star Music na si Roxy Liquigan.

"Nung umakyat ako doon may isa pang award ang binulong ni sir Roxy, sabi niya next year daw masusundan na si Mr Right."

Pinasalamatan naman ni Kim ang mga taong tumulong at sumuporta sa sa kanya para mag hit ang kanyang album.

"Ang layo na ng narating ni ‘Mr. Right’ umabot ako ng Billboard Philippines number two nakakahiya. Well salamat sa lahat ng tumangkilik sumuporta sa ‘Mr. Right.’"

Dahil sa marami na din ang na LSS sa kanyang kanta, hindi na din intinanggi ni Kim na tila ay nakita na din niya ang kanyang Mr. Right sa katauhan ni Xian Lim. Kuwento pa ni Kim, "Pwede na, siya na."

Dagdag pa ni Kim nakita na niya kay Xian Lim ang mga qualities at hinahanap niya sa isang Mr Right.

"Si Xian ngayon ang Mr. Right. Siya talaga yung tinatama ang lahat, yung pinapasaya, pinapa-inspire, yung laugh ka lang ng laugh," pagtatapos ni Kim