Janine Gutierrez confirms split with Elmo Magalona

Janine and Elmo have been a couple for two years

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/21/2016 2:02 AM
Janine Gutierrez confirms split with Elmo Magalona


102016-Janine-PUSH.jpgKinumpirma ni Janine Gutierrez kay GMA News reporter Nelson Canlas na tinapos na nila ni Elmo Magalona ang kanilang relasyon.

Ayon naman sa report ng PEP.ph naghiwalay daw ang dalawa dahil sa "personal reasons."

Noong Oktubre 9, 2014 kinumpirma ni Elmo ang kanilang relasyon at kamakailan lamang ay lumipat na siya sa Kapamilya network, bagay na sinuportahan at sinang-ayunan naman daw ni Janine na nasa Kapuso network.

Noong Hunyo naman ay sinabi pa ni Elmo na sila pa raw ni Janine.

Matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, nagkaroon ng teleserye si Elmo at iyon ang Born For You kung saan ay naging onscreen partner niya si Janella Salvador.

Natapos ang serye nito lamang Setyembre. Sa kasalukuyan si Janella at Elmo ay parte ng Wansapanataym: Holly Mau.