• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla and Kathryn Bernardo dedicate their Push Award wins to KathNiel fans

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo dedicate their Push Award wins to KathNiel fans

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo are very thankful for the support of their fans.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/20/2016 10:03 AM
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo dedicate their Push Award wins to KathNiel fans


102016-KATHNIELmain_PUSH.jpgHinakot nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga major awards sa Push Awards 2016. Kabilang dito ang Push like group tandem, Push tweet group tandem, Push Gram group tandem, Push play group tandem, at ang Push Elite Tandem Celebrity of the year.

Sa interview backstage, pinasalamatan ng Kathniel ang mga fans na all-out ang support para makuha nila ang mga category na kanilang kinabibilangan.

Ayon kay Daniel, "Siyempre gusto namin pasalamatan ang KathNiel dahil sa grabeng suporta na binibigay nila sa amin. Nakaktuwa yung grabeng pagmamahal na pinaparamdam nila sa amin."

"Nakikita namin na nag-power voting sila para sa amin. Tapos nakikita namin sila all-out support pag-umaakyat kami sa stage, andon sila nag-cheer. Kaya lahat ng itong nakuha naming awards, lahat ‘to para sa KathNiels," dagdag pa ni Kathryn.

Nagpasalamat din ang KathNiel dahil hindi din nila inasahan ang naging mainit na support at mga positive comments sa pelikula nilang Barcelona: A Love Untold. Dahil patuloy na kumikita ang kanilang movie, nababansagan tuloy ang KathNiel na susunod na bilang Box Office King and Queen

Para kay Kathryn, "Feeling ko lahat pwedeng maging Box office King and Queen basta alam mo na maganda talaga yung project mo, alam mo din na maganda yung nagawa mo na performance. Pero kung mangyari yun for me, masaya yun para sa amin ni DJ."

Ayon naman kay DJ, "Oo naman napakalaking bagay noon, kahit kanino sa aming mga artista. Pero ayaw kong magsabi ng ano man. Ang mga tao na ang bahala magbigay samin ng label, basta wag natin pangunahan," pagtatapos ng KathNiel.