• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista reveals she is the one paying for everything in her new house

Heart Evangelista reveals she is the one paying for everything in her new house

Heart Evangelista says she and Chiz Escudero continue to keep their respective properties separately.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2016 10:21 AM
Heart Evangelista reveals she is the one paying for everything in her new house


100216-HeartEvangelista_MAIN.jpgMalapit nang lumipat si Heart Evangelista sa bahay na ipinatayo niya sa may New Manila, Quezon City. Kalapit din ito ng bahay na tinitirhan ng ni Sen. Chiz Escudero at ng kanyang mga anak sa unang asawa.

“Gusto ko sanang lumipat na kami sa December kaso wala pang kitchen so baka next year na lang, baka sa birthday ko,” balita ni Heart sa Push.com.ph nang makausap namin siya after mag-renew ng kontra sa Viva Artists Management (VAA).

Ayon pa kay Heart, solong gastos niya ang ipinatayong bahay. Wala raw ambag dito si Chiz.

“Well, ako kasi ano, eh, we have a pre-nup, both. So what’s mine before and after will be mine, ganu’n din sa kanya kasi we have a modern family.

“I don’t like to discuss about money, he has two children and then I have my own din (soon), so ayoko ng may mag-aaway-away pa or what.

“So anuman ‘yung sa kanila, kanila para malinis,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa ng aktres tungkol sa ipinagawa niyang bahay, “Kasi it’s better like that, kunwari, when I have my own, it’s different, we’re very modern, we have a modern family, it’s the same with my family.

“Kasi my dad and my mom when they get married, his and hers sila. Parang ganu’n din ang mangyayari sa amin and it’s better and I don’t like to talk about money.”

Maging sa pagbabayad ng bills ay kanya-kanya rin sina Heart at Chiz.

“I’m very independent, wala siyang ibinibigay, well, of course pag nagdi-date kami, sagot niya, but with other things, akin,” katwiran niya.

Pareho ng pananaw sina Heart at Chiz kaya alam nila na mas makabubuti ang ganitong set-up for them.

“Since we’re modern, we also have a modern family. He has kids and everything and I think, it’s good for us. I think it’s important to have it all na parang lay it all down on the table so you don’t fight or talk about money. It’s not nice to talk about money.

“So ‘yun na lang. Kung anong sa kanya, sa kanya, kung ano sa akin.”

Ang maganda pa raw sa set-up nila ni Chiz, hindi nila pinipigilan ang isa’t isa sa kani-kanilang work.

“I don’t have to worry about anything. Anyway, hindi rin naman ako nagmamadali, hindi rin naman ako parang kumbaga, hayok na hayok, di ba? Kung anuman ang ibibigay sa akin ngayon, tatanggapin ko and Viva filters everything for me, they take care of everything.

“So, I don’t have to think so much about kung ano pa ang mga kailangan kong gawin. So, I’m very happy,” pagtatapos ni Heart.