• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice hints about possible wedding and baby plans with partner

Charice hints about possible wedding and baby plans with partner

Charice is also set to mark her 10 years in showbiz with a new album.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/2/2016 10:15 AM
Charice hints about possible wedding and baby plans with partner


100216-CharicePempengco-MAIN.jpgSa pag diriwang ni Charice Pempengco ng kanyang ika-sampung taon bilang isang mang aawit, hatid ng International acclaimed singing sensation ang isang bagong album under Star Music titled Catharsis.

Ayon kay Charice lubos ang kanyang pananabik dahil personal ang mga nilalaman ng album at siya mismo ang nag-sulat ng mga kanta para sa bagong album.

"Sobrang proud ako and excited na at gusto ko nang i-share yung hard work, yung pagod na ginawa ng team ko para dito. Para bang gusto ko ipagyabang na ako nag mix nito, ako nag master nito at hands-on ako at ako mismo."

Naibahagi din ni Charice ang mga natutunan niya sa nagdaang sampung taon niya sa industriya at aminado siyang naging makulay din ang  kanyang journey sa pag-abot ng kanyang mga pangarap lalo na ng nag-out siya ng kanyang tunay na sexual orientation.

"I thought I was about giving up. I guess yun talaga and siyempre never give up, just believe in yourself yun lang talaga kasi kahit na there's people around you na sinasabi nila na they believe in you, kumbaga nasa sa ‘yo pa din e."

Kasama din sa makulay na ten years ni Charice ay kanyang long time and present partner na si Alyssa Quijano. Naibahagi din ni Charice na napag-uusapan na nila ang next level sa kanilang relasyon.

"Mag four years na kami and kung may gagawin kami probably propose muna then ipon muna for the wedding and nag uusap na kami about that pero siyempre darating tayo diyan, kumbaga boring man pakinggan duon na parating talaga," sabi pa ni Charice.