• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona turns emotional as he remembers dad during first album launch

Elmo Magalona turns emotional as he remembers dad during first album launch

Elmo Magalona launches his first solo album

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2016 9:23 AM
Elmo Magalona turns emotional as he remembers dad during first album launch


101916-ElmoMagalona_PUSH.jpgMasayang-masaya ngayon si Elmo Magalona sa panibagong blessings sa kanyang buhay. Mula sa click na tambalan nila ni Janella Salvador sa Born For you, tuluyan na ngayon na release ni Elmo ang kanyang five years in the making album na may title na Elmo sa tulong ng Universal Records.

Ayon kay Elmo, siya mismo ang pumipigil na ma release ang sariling album dahil para sa kanya ay hindi pa siya fully experienced para maging isang recording artist.

"Five years palagi ko kasi sinasabi sa isip ko na I think I should make one ka pag ready na ako, kapag experienced na ako. But then naisip ko na hindi darating yung point na yun kung palagi ko ihihinto yung manufacturing ng album. Kaya naisip ko na ituloy na and I'm so happy kasi it’s all original tracks."

Sa ngayon. itinuturing pa din ni Elmo na nasa learning process siya sa stage ng kanyang career dahil sa mga self-discovery niya lalo na sa pag-awit.

"Marunong po pala akong kumanta, sa paggawa ng album mas lalo akong natutong kumanta, mas nag-explore at kung anong range ang kaya ng voice ko. I think makikita sa album na ‘to ang iba ibang style ko in terms of singing."

Flattered naman si Elmo sa support ng mga fans ng love team nila ni Janella na tinulungan siya maabot ang top spot sa iTunes ph. 

"Super happy kasi a lot of my fans were really anticipating at inexpect nila kung kailan lalabas and everywhere they show support for me by downloading it, buying copies from the first day. I'm really happy for it."

Masaya man, hindi pa rin napigilan ni Elmo ang maging emosyonal ng pag-usapan ang kanyang ama na si Francis Magalona. Naitanong sa binata kung ano sana ang mararamdaman ng kanyang papa kung nandito pa siya ngayon.

"Kung makikita ni papa kung ano yung ginagawa ko ngayon na alam niyang close to my heart, I think matutuwa talaga siya. Sana nakikita ko talaga yung facial reaction niya but I think matutuwa siya because sinusundan ko talaga yung gusto kong gawin and that's what my dad did also hindi siya yung nag box in kung ano yung dapat gawin ko," pagtatapos ng binate.