• Home
  • Fresh Scoops
  • Celebrity Horrorserye: Prince Stefan reveals: ‘May third eye po ako...’

Celebrity Horrorserye: Prince Stefan reveals: ‘May third eye po ako...’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/19/2016 10:30 AM
Celebrity Horrorserye: Prince Stefan reveals: ‘May third eye po ako...’


101916-PrinceStefan_PUSHPIN.jpg

Masaya si Prince Stefan sa bagong sigla ng kanyang career sa ABS-CBN na una ng napanood sa Till I Met You na pinagbibidahan ng JaDine tandem. Kasama din si Prince bilang support sa pelikulang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend ng Viva Entertainment na showing na ngayon. Matagal na natin kaibigan si Prince at tuwing sasapit ang undas isa siya sa paborito natin kausapin dahil may kakaiba siyang talento na di nya naman itinatago.

"May third eye po ako. Matagal na, bata pa ako hindi ko nga alam mga dwende pala ang mga kalaro ko maliliit sila at makukulay ang suot."

Hanggang ngayon di pa rin daw sanay si Prince sa kanyang third eye dahil nagugulat pa rin siya sa kanyang mga nakikita.

"Gaya po ngayon sa condo na tinitirhan ko may something doon. Madalas randam ko nasa ilalim siya ng bed tapos ginagalaw niya ang kama kapag nandoon ako."

Alam ni Prince ang solusyon kapag nasa ganito siyang sitwasyon.

"Nagdadasal po talaga ako and naglalagay ng asin sa area kung nasaan ako. Yun ang turo sa akin noon pa. Basta important po nagdadasal ka," pagtatapos ni Prince.