• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, Dennis Trillo, Paolo Ballesteros admit they will miss working together

Anne Curtis, Dennis Trillo, Paolo Ballesteros admit they will miss working together

‘Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?’ stars hit the red carpet for the movie premiere.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2016 9:50 AM
Anne Curtis, Dennis Trillo, Paolo Ballesteros admit they will miss working together


101916-BLNGMB_PUSH.jpgTinilian at inabangan ng mga fans nila Dennis Trillo, Paolo Ballesteros, at Anne Curtis ang kanilang mga iniidolo sa premiere night ng gay-themed movie ng Viva Films na Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?!

Unang rumampa sa red carpet ng Glorietta cinema sa Makati sila Anne, Dennis and Paolo na sinundan ng pagrampa sa red carpet ng SM Megamall. Naipit man sa traffic, game na game pa din ang stars na kumaway at magpasaya sa mga   talaga magustuhan ng madlang people yung ginawa namin."

Nagpasalamat naman si Dennis sa opportunity na kanyang nakuha dahil isang dream come true para sa kanya ang makasama si Anne and Paolo sa isang pelikula.

"Oo naman siyempre naman kasi first time ko sila makasama sa trabaho si Paolo and si Anne at dito sa pelikulang yun natupad yun kaya talagang ma miss ko talaga sila."

Bitin naman si Anne sa naging bonding nila sa set at aminado ang It's Showtime host na nag-enjoy siya sa pakikipag trabaho sa kanyang dalawang leading man.

"It was a great experience very short but at the same time masaya, masaya ang journey. Walang bad trip."

Kuwento din Paolo, mami-miss din niya ang naging bonding niya sa lahat ng nakasama sa pagbuo ng pelikulang ito.

"Very, very light lang kasi sa set para lang kaming naglalaro sa camera, so I guess yun yung mami-miss namin even ang mga crew sila direk (Jun Lana) ang gaan lang ng trabaho," pagtatapos nila.