• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda reacts to criticisms he is condoning Aura’s gender choices

Vice Ganda reacts to criticisms he is condoning Aura’s gender choices

Vice Ganda wants to help develop Aura’s acting skills

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/18/2016 9:40 AM
Vice Ganda reacts to criticisms he is condoning Aura’s gender choices


101816-ViceGanda_PUSH.jpgTuloy-tuloy na ngang pinasok ni McNeal Briguela o mas kilalang si Aura ang mundo ng showbiz. Mula sa pagiging viral nito sa mga nakakatuwang post sa social media hanggang sa naging mainstay cast character siya bilang si Makmak sa FPJ's Ang Probinsyano.

Sadyang maraming netizens ang naaliw at nakapansin sa potensiyal ni Makmak at isa si Vice Ganda sa mga napa-Aura at natuwa sa kakayahan ng bata at ayon kay Vice, “Nakakatuwa siya, nung pinapunta ko nga siya dun sa bahay ko, sabi ko punta ka dito kasi may ituturo ako sa iyo. Kumuha ako ng script tapos binasa ko sa kanya, ang bilis-bilis niyang matuto, pinapakinggan niya lang. Isang beses pa lang niya binasa yung sinulat ko, alam na niya agad.”

Dahil sa magandang rapport nila ni Makmak sa pagpaparaktis ng batuhan ng linya, naniniwala si Vice na may mararating ang bata sa napili nitong larangan. Kuwento pa ni Vice, “Mabilis siyang matuto, mabilis ang utak niya. Masarap siyang i-hone, madali siyang i-develop.”

Dagdag ni Vice ito ang dahilan kung bakit napili niya si Makmak na makasama sa kanyang ginagawang pelikula kung saan makakasama nila si Coco Martin at ang isa pang child wonder ng Ang Probinsyano na si Onyok.

Samantala, sinagot naman ni Vice ang mga negative comment ng ibang moralist groups dahil sa mga diumano'y maaring pag kunsinti pa niya sa sexualidad ni Makmak sa murang edad nito. Ayon kay Vice, "Mahabang talakayin ‘yan, paniniwala yan ng gustong paniwalaan iyan. Pag kinontest mo yan hahaba. Kung ano ang gusto ninyong paniwalaan, paniwalaan ninyo kasi kahit anong ipaliwang ang ibigay mo, kung sarado ang utak mo, di kayo magkakaintindihan. Ngayon ang dami ng isyu sa Pilipinas na di na nagkakaintindihan kaya ayoko ng dagdagan pa. Kung yun po ang paniniwala ninyo, bahala po kayo,” pagtatapos ni Vice.