• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla flattered by possible reunion movie with Sharon Cuneta

Robin Padilla flattered by possible reunion movie with Sharon Cuneta

Robin Padilla also comments on Megastar Sharon Cuneta’s slimmer figure.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/18/2016 9:58 AM
Robin Padilla flattered by possible reunion movie with Sharon Cuneta


101816-RobinPadilla_PUSH.jpgMatapos ang naging masayang kuwentuhan ni Sharon Cuneta kamakailan sa Magandang Buhay, naibahagi ni Megastar ang paghahanda niya para sa isang pelikula na kanyang gagawin sa Star Cinema.

Naging palaisipan tuloy kung sino ang mga maaring makasama ni Mega dito bilang kanyang kapareha. Pero ayon kay Sharon, asahan na isa sa mga naging leading man niya noon ang kanyang makakasama at possible din na si Robin Padilla ito.

Sa panayam naman kay Robin kamakailan, masaya ang aktor ng malaman niya ang balita sa posibilidad na isa siya sa mga maaring makasama muli ni Megastar sa gagawin nitong pelikula.

"Wow isang napakalaking karangalan dahil ang sexy ngayon ni Ma'am. Yung mag bagong litrato niya, ay wow talaga. Simula nung huli kami nagkita sa PGT, pinakita sakin ni Mariel (Rodriguez) ang pictures. Sabi niya sa akin, 'Babe tignan mo ang payat payat ni Ma'am.' Yun pala ako pala pinaghahandaan ni Ma'am My goodness."

Excited at pabiro pang kuwento ni Robin, "Ma'am ha. Ako pala pinag ahandaan mo! I'm ready! Ready ako dyan kung ako ang napili excited talaga ako diyan," pahayag ni Robin.

Matatandaan na naging matamis ang samahan nila Binoe at Megastar noon at nagsama sa ilang markadong pelikula gaya ng Maging Sino ka Man, Di Na Natuto at Pagdating ng Panahon.