• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon admits Elisse Joson has qualities he looks for in a girl

McCoy de Leon admits Elisse Joson has qualities he looks for in a girl

McCoy de Leon says they are focused on their love team for now.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/18/2016 9:37 AM
McCoy de Leon admits Elisse Joson has qualities he looks for in a girl


101816-MccoyDeLeon_PUSH.jpgUmiinit ngayon ang bagong love team nina McCoy De Leon ng grupong Hashtags at ni Elisse Joson. Mayroon na silang isang hugot commercial ng fast food chain.

Nagkakilala at nabuo ang magandang pagtitinginan ng dalawa nang maging mga housemate sila ni kuya sa Pinoy Big Brother season 7.

Sa backstage ng naganap na FPJ’s Ang Probinsyano pasasalamat concert, naikuwento ni McCoy ang mga bagay na kanyang natutunan sa loob ng bahay ni kuya habang kasama niya ang babaeng kanyang unang hinangaan.

"Ngayon, marami—hindi ko na masasabi lahat—pero isa na yung napatunayan ko na mapagmahal talaga siya sa magulang lalo na sa kanyang nanay."

Aminado si McCoy na minsan ay lumalabas labas na sila ni Elisse ngunit kasama nila sa kanilang bonding date ang nanay ng dalaga.

"Kapag lumalabas naman po kami na hindi konektado sa trabaho, simpleng kainan lang tapos lagi namin kasama si Tita (Elisse Mom) pero never pa po kami lumabas na kaming dalawa palang."

Hindi naman maitatago sa mga mata ni McCoy na masaya siya sa estado ng friendship nila ni Elisse. Kuwento pa niya hindi din daw malayo na mahulog ang loob niya sa dalaga dahil sa mga katangian nito na kanyang hinahanap sa isang babae.

"Bilang love team palang naman po kami. Hindi ko pa alam kung anong mangyari doon pero kung ako tatanungin may chance na talagang mapalapit pa ako sa kanya, masaya kasi. Ang pag kakakilala ko sa kanya ay pwede maging girlfriend material na din. Lahat ng nadiscover ko sa kanya tapos lalo pang napalapit sa loob."

Dahil sa malakas at magandang pagtanggap ng mga fans sa McLisse love team, naitanong din sa binata kung handa na ba siya na makipagsabayan sa ibang kapamilya love teams. Ayon kay McCoy, "Madami pa kami pag dadaanan, talaga madami pa kaming kailangan patunayan. Kumbaga ngayon nandito palang kami sa baba at kailangan pa namin matuto at bumuo ng experience para may maipakita kami sa mga tao.”