• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaye Abad on having a baby: ‘Gusto niya this year ang wedding para makapag baby na agad’

Kaye Abad on having a baby: ‘Gusto niya this year ang wedding para makapag baby na agad’

Kaye Abad shares her love story with fiancé Paul Jake Castillo

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/19/2016 6:10 AM
Kaye Abad on having a baby: ‘Gusto niya this year ang wedding para makapag baby na agad’


101916-KayeAbad_PUSH.jpgSa TV Patrol, isang salon pampering ang naging bridal shower ng soon-to-be bride na si Kaye Abad. Ngayon pa lang, nai-stress na diumano si Kaye. “Sobra, kasi palapit na siya nang palapit. Knowing me lahat ng family ko, friends ko, mga ninang ko lahat galing Manila. Isipin mo yung stress ko na sinong susundo dito or nasaan sila.”

April 2014 nang maging couple ang dating magkaibigang Paul Jake Castillo at Kaye. Noong una natakot si Kaye na baka masira ang kanilang pagkakaibigan. “Before talaga, I wasn't attracted talaga sa kanya. Hindi ko na alam ang nangyari na kinain ko na lang lahat ng sinabi ko.”

Dagdag niya, “sobrang magkasundo kami, barkada. Alam ko na yung ugali niya, yung totoong ugali niya. Sobrang worth it, masaya sila lahat na kami yung nagkatuluyan.”

May 2016 nang mag-propose si Paul kasabay ng 34th birthday ni Kaye at sa December naman ang kanilang kasal. Gusto raw ni Kaye ng “ako the most three (na anak.)” Si Paul naman ay gusto na agad silang magka-baby. “Gusto niya agad-agad kaya gusto niya this year ang wedding para makapag baby na agad. Ready na ako, gusto ko lang talaga sana na mauna muna ang kasal.”

Kung mabubuntis si Kaye ay titigil muna siya sa showbiz. “Kasi for sure pag nabuntis ako tigil muna.” Sa America naman ang honeymoon ng sweet couple.