• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola will go with Luis Manzano to the Star Magic Ball 2016

Jessy Mendiola will go with Luis Manzano to the Star Magic Ball 2016

Jessy Mendiola and Jodi Sta. Maria reveal who they’re going to wear for the Star Magic Ball 2016.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/18/2016 10:51 AM
Jessy Mendiola will go with Luis Manzano to the Star Magic Ball 2016


101816-JessyMendiola_PUSH.jpgSa TV Patrol, tampok ang mga susuotin sa Star Magic Ball 2016 nina Jodi Sta. Maria at Jessy Mendiola. Sino naman kaya ang magiging escort nila?

Handa na ang isusuot ni Jodi na white Mark Bumgarner creation. Aniya tungkol sa kanyang isusuot, “we wanted a classic and sophisticated looking gown. Ang peg ko talaga ever since ay si Audrey Hepburn kasi napaka-timeless and classic niya.” 

Hindi raw pinapalampas ni Jodi ang pag-attend sa sikat na ball. “I know it’s going to be a night full of fun and laughter. Minsan lang kasi sa isang taon na lahat kami nagkakasama-sama.” 

Nang tanungin kung may special someone siyang makakasama sa ball, tumawa si Jodi at sinabing “wala.” Last year, kasama niya ang kanyang anak na si Thirdy.

“Yes” naman kaagad ang sagot ni Jessy nang tanungin kung magiging escort niya ang host na si Luis Manzano. Dagdag niya, “ready na daw yung suit niya, mas ready pa kesa sa akin. Kala mo naman siya yung Star Magic.” 

Isusuot ni Jessy ang young pinoy designer na si John Rufo.